top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Pramis, 'di raw nainsulto… SPOX ROQUE, TODO-THANK YOU KAY VICE NA TINAWAG SIYANG CLOWN

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 25, 2021
4 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | January 25, 2021





Pinuntahan ng aktres-cum vlogger na si Aiko Melendez ang opisina ni Presidential Spokesperson Herminio ‘Harry’ Roque, Jr. sa Malacañang upang ma-interview ito dahil araw-araw ay trending siya sa social media.


Ang daddy ng boyfriend niyang si Zambales Vice-Governor Jay Khonghun na si 1st District Representative of Zambales Jeffrey Khonghun ang kaibigan ni Sec. Roque kaya napagbigyan si Aiko.


Aniya, “Nagkataong kaibigan s’ya ni Tito Cong. Jeffrey Khonghun, so, kinausap ni VG Jay, pumayag agad si Sec na ma-interview ko s’ya.”


Masaya ang naging takbo ng panayam ni Aiko kay Sec. Roque kaya pala tinawag siyang ‘cool guy.’ At pag-amin pa ng opisyal, “It’s my pleasure Aiko, matagal na kitang crush.”


Dagdag pa niya, “Mas maganda ka pala in person. Oh, my goodness, you’re like a goddess.”


Take note, nag-flip din ng buhok si Aiko nang marinig niyang ‘crush’ siya ni Secretary Roque.


Anyway, ikinuwento ng spokesperson ni Presidente Rodrigo Duterte na nagsisimula ang araw niya nang 7:30 nang umaga at walang patid na ang pagtanggap niya ng bisita mula sa Luzon, Visayas at Mindanao, press briefings atbp..


“You know when you start the day, you begin by reading all your greeting papers, top 5, top 10 and top 20 stories,” sambit nito.


May day-off naman daw siya tuwing Sabado at Linggo at nakatira siya sa tuktok ng Baguio dahil gusto niyang paggising niya sa umaga ay puro bundok ang nakikita niya na nakaka-refresh o nakaka-relax at nandoon lang siya sa balkonahe niya sa loob ng tatlong oras.


“You have to do it otherwise you will go insane or you’ll have a heart attack which I already had in 2019. So I know now what we need as a human being with the hectic schedules, just take time out for yourself,” paliwanag ni Sec. Harry.


Hindi rin pala nagbabasa ng social media account si Secretary Roque lalo na sa Twitter.


“I don’t kasi nga negative. Kaya ang defense mechanism ko sa Twitter, mag-tweet kayo nang mag-tweet, hindi ko naman kayo babasahin,” humalakhak niyang sagot.


“Akin ‘yung Twitter account ko, I don’t care what they say kasi hindi ko naman sila binabasa, I post when I want.


“In Facebook, I read it although they have bashers and we have trace na mayroon silang avatar. Akala nila, sila lang ang may teknolohiya sa pag-trace sa mga ganitong avatar. Ginagawa ko, inire-report ko sila sa Facebook, natatanggal sila.


“‘Yung mga bashers, tinitingnan ko kung totoong account o hindi, eh, karamihan naman talaga, fake. Hindi ‘yan trolls. Ang trolls kasi, tao ‘yan na maraming cellphones. Ngayon, avatars (uso). It’s a computer program where on one PC, you will have a thousands of fake identities. Kaya nga nakapag-take down na ako. I’ve reported to Facebook at least 3 times to take down avatars. In fairness, nag-iimbestiga sila at nagte-take down talaga sila,” kuwento ni Mr. Roque.


Tinanong ni Aiko ang tungkol sa patutsada ni Vice Ganda na hindi naman diretsong binanggit ang pangalan ni Sec. Roque pero halatang siya ang pinaringgan.


“Well, ako naman, ang konteksto na sinagot ko siya na sabi niya, ‘Sabong panlaba, choosy tayo, sa bakuna pa kaya?’ Kaya sinabi ko, ‘wag mong ikukumpara ang COVID-19 bakuna sa sabong panlaba kasi unang-una, ngayon lang na-develop ‘yan (bakuna). Pangalawa, kaunting-kaunti ‘yan. At pangatlo, ‘pag sinabi ng mga eksperto sa FDA na puwedeng gamitin, ligtas at epektibo, tanggapin ‘yan.


“Sabi ko, puwede kang magsalita, you have the freedom of speech, pero pagdating sa bakuna at the time of pandemic at natatakot ang mga tao sa pandemya, pakinggan naman natin ‘yung mga eksperto.”


Hindi raw pinersonal ng opisyal ang patutsada ni Vice kahit na tinawag siya nitong clown.


“I love clowns!” ito ang mabilis na sabi ni Sec. Roque.


“I love Charlie Chaplin, I love Marcel Marceau (French actor and famous mime artist), he’s my favorite noong estudyante ako abroad. I saw Marcel Marceau I was really odd struck, kasi there are people, wanting you to smile, pero wanting you to smile amidst the tragedies of life, so, it’s really a form of poetry.


“So to me (tinawag na clown), wow, thank you very much that I’m compared to clowns because as I said, Marcel Marceau, Charlie Chaplin are people who I really respect. Baka hindi niya kilala kung sino si Marcel Marceau, i-Google na lang niya,” tumawang sabi ni Sec. Roque.


Isa pang latest trending ay ang pag-hair flip sa kanya ni CNN host Pinky Webb sa nakaraang panayam.


“Well, buti may buhok siya,” mabilis na sagot ni Sec. Roque sabay tawa nang malakas.


Tumatawang sabi pa ng opisyal, “Siguro, kung may buhok din ako, magga-ganu’n din ako.”


Hindi niya alam na trending ang hair flip sa kanya ni Ms. Webb dahil hindi nga raw siya nagbabasa sa Twitter at nabubuksan lang niya ito kapag magpo-post siya.


Samantala, may dalang lie detector test gadget si Aiko at inilagay niya ang kaliwang kamay ni Sec. Roque para ma-test kung nagsasabi ito nang totoo.


Tinanong ni Aiko si Sec. Roque kung naniniwala ba siya sa kapasidad ni Vice-President Leni Robredo.


“Medyo, medyo,” kaswal nitong sabi.


At dahil yes or no lang ang puwedeng isagot, “No!” ang sey ni Sec. Roque at hindi siya nakuryente.


Natanong din si Sec. Roque kung babalik ba siya sa Malacañang for a cabinet position ‘pag tumakbo at nanalong presidente ng Pilipinas si Presidential Daughter Sara Duterte.


“No!” rin ang kanyang sagot at hindi siya nakuryente.


Ang huling tanong ay kung hate ba niya si Vice Ganda at “No!” rin ang sagot niya at hindi ulit siya nakuryente.


Kaya ang hiling ni Aiko, “‘Te (Vice), bati na kayo, hindi siya galit sa ‘yo.”


Ano kaya ang take ni Vice Ganda rito?

1 Comment


roquekeke
Jan 27, 2021

dapat litsonin na ang bading na boyba.

Like

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page