Pramis, 'di raw kinuha si Maja… "HINDI KO KAILANGAN NG CO-HOST" — WILLIE

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | February 9, 2021

Nag-react ang Wowowin host na si Willie Revillame sa napabalitang magiging co-host daw niya si Maja Salvador.
Mainit kasi ang tsikang lumipat na ng GMA-7 si Maja after na matigbak ang Sunday Noontime Live sa TV5.
Katunayan, hindi nga lang daw sa Wowowin siya magiging co-host kundi isa rin siya sa makakasama nina Heart Evangelista at Richard Yap sa teleseryeng gagawin ng mga ito sa GMA-7.
Nang mabalitaan ni Kuya Wil ang rumored mongering na magiging lady co-host niya ang former Kapamilya actress ay agad niya itong pinabulaanan.
Nagpadala ng text messages si Kuya Wil kay Ricky Lo ng Philippine Star saying: “Hindi totoo. Sino may sabi? Hindi ko alam 'yan. Baka para mapag-usapan. Sino ang sumulat?”
Ayon naman kay Mr. Ricky Lo, kalat na sa sirkulo ng showbiz ang balitang magiging co-host niya si Maja.
“Wala. Hindi ko kailangan ng co-host. It’s a talk show paminsan-minsan naman with guest co-host,” ang sagot ni Kuya Wil.
Hala, kung hindi pala totoong magiging co-host ni Kuya Wil, saan kaya ngayon pupulutin ang career ni Maja?
On her part, sa palagay kaya niya ay tama ang kanyang desisyon sa agarang pag-alis sa Kapamilya Network.?





Comments