Power interruption sa NCR, 5 probinsya ngayong linggo

by Mervin Reyes @News | November 23, 2026

Photo: File
Makararanas ng pansamantalang pagkawala ng kuryente ang ilang lugar sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, Quezon at Rizal mula Nobyembre 23 hanggang 29 dahil sa maintenance works ng Manila Electric Company (Meralco).
Sa Metro Manila, kabilang sa maaapektuhan ang ilang bahagi ng Maynila, Muntinlupa, Parañaque, Las Piñas, Taguig, Quezon City at Mandaluyong.
Sa mga lalawigan, magkakaroon din ng power interruption sa Meycauayan sa Bulacan; Trece Martires at Dasmariñas sa Cavite; Biñan, Los Baños, Calamba, Santa Rosa at Cabuyao sa Laguna; Sariaya, Lucena, Pagbilao, Tiaong, Dolores at Candelaria sa Quezon; at Binangonan at Cainta sa Rizal.
Kabilang sa mga gagawing trabaho ang pagkukumpuni ng mga linya, pagpapalit ng poste at paglalagay ng mga bagong pasilidad ng kuryente.
Pinapayuhan ang mga residente na tingnan ang opisyal na abiso ng Meralco para sa eksaktong oras at mga lugar na maaapektuhan. (Mervin Reyes)





Comments