Nahuling may ka-chat... Misis, pinagsasaksak ni mister

by Levi Gonzales @News | November 23, 2026

Photo: File
Kritikal ang isang 41-anyos na misis matapos umanong pagsasaksakin ng kanyang mister dahil sa selos sa Sitio Admiral, Brgy. San Luis, Antipolo City, Rizal.
Ayon sa ulat, nag-away ang mag-asawa matapos mabasa ng suspek na si alyas Jimmy, 41, ang mga mensahe sa cellphone ng biktimang si “Rosalie,” na pinaghinalaan niyang may ibang lalaki.
Sinundan umano ng suspek ang misis sa kanilang silid at paulit-ulit itong sinaksak sa dibdib. Nasaksihan ng kanilang 21-anyos na anak ang pananaksak matapos marinig ang sigaw ng ina.
Tinutugis na ng pulisya ang tumakas na suspek habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.





Comments