Posibleng suspensyon ng PUVMP, pinalagan ng ilang transport groups
- BULGAR
- Aug 5, 2024
- 1 min read
ni Angela Fernando @News | August 5, 2024

Pumalag ang ilang mga drivers at operators na sumunod sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng gobyerno at nagsagawa ng unity walk nitong Lunes laban sa resolusyon ng Senado na nagrerekomenda ng suspensyon ng nasabing program.
Nagtipon ang Angat Kooperatiba at Korporasyon ng Alyansang Pilipino (AKKAP MO) sa Welcome Rotonda sa Quezon City bandang alas-6 ng umaga at nagmartsa patungo sa España Boulevard sa Maynila.
Samantala, hinarang ng Manila Police District (MPD) ang mga iba't ibang grupong nagmamartsa.








Comments