top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Posibleng COVID-19 outbreak sa mga iskul, ‘di raw magdudulot ng surge

BULGAR
Aug 16, 2022
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | August 16, 2022


Sa pagbabalik ng face-to-face classes, hindi na umano maiiwasan ang pagkakaroon ng COVID-19 outbreak sa mga mag-aaral.


Ito ang tiniyak ng OCTA Research group, kung saan binigyang-diin pa ni Dr. Guido David na hindi na ito magdudulot ng panibagong surge, lalo na kung mabilis na mako-contain ang outbreak sa mga paaralan sa mga ikakasang panuntunan.


Bagama’t inaasahan na umano ang hawahan, kailangang matiyak na handa ang mga concerned institution.


Kasabay nito ang paniniwala na magiging asymptomatic o mild lamang ang magiging kaso ng mga bata kung sakaling tamaan ng virus dahil malalakas umano ang katawan ng mga ito.


Gayunman, nananawagan si David sa mga paaralan na ngayon pa lang ay paghandaan na ang mga plano para sa in-person classes, tulad ng pagbabakuna sa mga guro at tamang bentilasyon sa klasrum, gayundin ang mga polisiya para sa mga gagawing aksyon sa oras na magkaroon ng outbreak sa paaralan.


‘Ika nga, mananatili na lang COVID-19 at ang magagawa natin ay mamuhay kasama ang virus at tiyakin na palaging protektado sa pamamagitan ng pagpapabakuna at boosting.

Habang maraming natutuwa dahil sa wakas ay balik-eskwela na ang mga mag-aaral, hindi maitatangging maraming magulang pa rin ang natatakot para sa kanilang mga anak.


Tulad ng nabanggit, inaasahan na ang hawahan at bagama’t hindi ito magdudulot ng surge, panawagan sa mga magulang at guro, patuloy nating ipaunawa sa mga bata ang kahalagahan ng pagsusuot ng face mask, gayundin ang pagsunod sa mga minimum health protocols sa lahat ng oras.


Tulad ng paulit-ulit na paalala, hindi ito panahon para magrelaks. Bagkus, lalong mag-ingat dahil nariyan lamang ang virus.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page