top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Posibleng balik-face mask dahil sa mataas na kaso ng COVID-19 pagtapos ng Holy Week

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 18, 2023
  • 2 min read

ni Ryan Sison @Boses | April 18, 2023


Posibleng ibalik ang mandatoryong pagsusuot ng face mask ng lokal na pamahalaan ng Maynila kung sakaling makapagtala ng panibagong surge ng COVID-19 cases.


Ito ang pahayag ni Manila City Mayor Honey Lacuna kung saan naobserbahan ang pagdami ng nagkakasakit sa nakalipas na linggo, na umabot sa 79 kaso, at karamihan dito ay mild symptoms at asymptomatic.


Giit pa ng alkalde, hindi pa nakakabahala ang pagtaas ng kaso at mayroong ordinansa ang lokal na pamahalaan tungkol sa mandatoryong pagsusuot ng face mask.


Sa ngayon, puspusan at istrikto pa rin ang pag-monitor ng City Health Department sa mga pasyenteng dinapuan ng nakamamatay na sakit.


Isa sa maaring dahilan ng pagtaas ng kaso ay ang nakalipas na Holy Week break, kung saan maraming residente ang nagbakasyon sa loob at labas ng bansa.


Samantala, noong Linggo, nakapagtala ang Manila City Health Department ng 10 panibagong kaso ng COVID-19. Umabot na sa kabuuang 125,092 kaso ang siyudad ng Maynila simula nang mag-umpisa ang pandemya at umabot naman sa 2,065 ang mga nasawi.


Pansamantala, hinihikayat din ng alkade ang mga residente na ugaliing magsuot ng face mask sa matatao at siksikang lugar upang maiwasan ang pagkalat ng virus at magpabakuna kontra COVID-19.


Ngayong may panibagong naitala ang mga eksperto na Omicron subvariant na Arcturus, na maaaring makapasok sa Pilipinas, panahon na siguro upang ibalik ang mandatoryong pagsusuot ng face mask upang mapigilan ang paglobo ng mga kaso.


Marami sa atin ang iniisip na ligtas na ang kapaligiran dahil sa pagpapatupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ng opsyonal na pagsusuot ng face mask mula noong Setyembre 2022.


Huwag tayong magpakampante at sumunod na lamang sa ating gobyerno upang hindi na maulit ang hirap na dinanas ng Pilipinas noong mag-umpisa ang pandemya.


Siguraduhin din natin na tayo ay magpabakuna laban sa COVID-19 upang tayo ay protektado at ligtas mula sa nakakamatay na virus.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page