Pork barrel ng mga trapo, ang dapat pag-initan, ‘di pensyon ng mga uniformed personnel
ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | March 30, 2023
BILYUN-BILYONG PORK BARREL NG MGA TRAPO ANG PAG-INITAN, ‘WAG ANG PENSION NG MGA UNIFORMED PERSONNEL—Sabi ni Finance Sec. Benjamin Diokno na pabor si Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) na pagbayarin ng monthly contribution ang mga sundalo, pulis at iba pang uniformed personnel para sa kanilang pensyon (sa ngayon, gobyerno ang sumasagot sa kanilang pensyon); itigil na ang pagtaas sa kanilang pension, at ang mga mag-i-early retirement na wala pang edad 56 ay hindi makakatanggap ng pension. Bagkus, mag-uumpisa lang silang makatanggap pagsapit ng edad 56.
Napakahirap ng tungkulin sa bayan ng mga uniformed personnel dahil nalalayo sa pamilya, taya-buhay pa, tapos ang kanilang pension ang pag-iinitan nina P-BBM at Sec. Diokno.
Dapat ang pag-initan nina P-BBM at Sec. Diokno ay ang pagtanggal sa bilyun-bilyong pork barrel ng mga traditional politicians (trapo) at hindi ang pension ng mga uniformed personnel ng pamahalaan, period!
◘◘◘
BAD NA PA-BIRTHDAY NG ICC KAY EX-P-DUTERTE—Kasabay ng birthday ni ex-P-Duterte, kamakalawa (Marso 28), ni-reject ng International Criminal Court (ICC) ang hirit ng Marcos administration na suspindehin ang kasong crimes against humanity laban sa dating Pangulo.
‘Yan ang bad na pa-birthday ng ICC kay ex-P-Duterte. Boom!
◘◘◘
‘PAG DINEDMA NG MARCOS ADMIN ANG ICC, MAPAPADALI ANG PAGLABAS NG WARRANT OF ARREST VS. EX-P-DUTERTE—Sabi ni P-BBM, hindi na raw makikipag-ugnayan ang Philippine government sa ICC tungkol sa kaso ni ex-P-Duterte.
Dahil sa sinabi ni P-BBM, baka mapadali ang paglabas ng ICC ng warrant of arrest kay ex-P-Duterte dahil ganyan din ang ginawa ng Russian gov’t. kung saan dinedma lang ang imbestigasyon ng ICC sa war crimes sa Ukraine laban kay Russian Pres. Vladimir Putin, kaya naglabas ng warrant of arrest ang ICC laban sa naturang presidente, period!
◘◘◘
IMBES NA TUGUNAN ANG PAG-HIRE NG 30K TEACHERS, INAATUPAG NI VP SARA ANG PANINIRA KAY ACT TEACHER REP. FRANCE CASTRO—Hanggang ngayon ay umuusok sa galit si Vice Pres., Department of Education (DepEd) Sec. Sara Duterte sa mungkahi ni ACT Teacher Rep. France Castro na mag-hire ng 30,000 newly graduate na teacher. Sa sobrang inis, sinabihan ni VP Sara si Cong. Castro na ‘fake representative’ raw ito sa Kongreso.
Hay naku, imbes na pag-aralan ni VP Sara ang mungkahi ni Cong. Castro gayung mainam ito para sa kapakanan ng mga bagong guro, eh, ang inaatupag niya ay siraan ang representante ng ACT Teachers sa Kongreso. Tsk!





Comments