Pope Leo, may kanser sa baga... Cardinal Tagle, nagmisa sa St. Peter’s Square

ni Mai Ancheta @News | October 15, 2026

Photo: Pope Leo at Luis Antonio G. Cardinal Tagle - FB
Si Filipino Cardinal Luis Antonio Tagle ang nagmisa sa St. Peter’s Square sa Vatican City sa gitna ng pagkakaospital ni Pope Leo na sumailalim sa medical procedure.
Una nang sinabi ni Jesuit Priest Giacomo Costa na pangungunahan ni Tagle ang misa alas-10 ng umaga Vatican time, bilang bahagi ng Eucharistic celebration sa pagtatapos ng ika-10 anibersaryo ng publikasyon ng apostolic exhortation "Amoris Laetitia".
Kasama rin sa misa ang pag-aalay ng dasal para sa kalusugan ni Pope Leo pati na rin sa lahat ng mga pamilya at mag-asawa.
Si Tagle ay naitalaga bilang Dean ng College of Cardinals kamakailan, at ang unang Pilipino at Asian na humawak ng nabanggit na posisyon na karaniwang ibinibigay lamang sa mga European.
Kasabay nito, inianunsyo ng Vatican na tagumpay ang operasyon ni Pope Leo para alisin ang bukol sa baga nito at ayon sa kanyang mga doktor, gumising na ito matapos ang operasyon.
Gayunman, sinabi ng mga doktor na tumingin sa Santo Papa na na-diagnose rin ito ng lung adenocarcinoma, isang uri ng lung cancer.





Comments