top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Political dynasty, welcome sa partido ni Speaker Romualdez

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 30, 2023
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | November 30, 2023


MATIGAS ANG ULO NG MGA PULITIKONG ANTI-DUTERTE, PINAGPIPILITANG PUMASOK SA ‘PINAS ANG ICC KAHIT AYAW NI P-BBM -- Sa kabila na sinabi na mismo ni Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) na ayaw niyang manghimasok ang dayuhang korte, tulad ng International Criminal Court (ICC) sa justice system ng Pilipinas, patuloy pa rin ang panawagan ng mga pulitikong anti-Duterte kay P-BBM na hayaan nang pumasok sa bansa ang ICC para maimbestigahan ang drug war sa panahon ng nakaraang Duterte administration.


D’yan makikita na matigas talaga ang ulo ng mga pulitikong anti-Duterte, kasi ayaw nga ni P-BBM, tapos pinipilit pa rin nila ang Presidente na papasukin ang ICC sa bansa para makialam sa justice system ng ‘Pinas, boom!

◘◘◘


MAY PUNTO SI SEN. DELA ROSA NA SUMAMA ANG LOOB KAY SEN. RISA -- May punto si Sen. Ronald Dela Rosa na sumama ang loob kay Sen. Rosa Hontiveros matapos na magsulong ng resolusyon ang senadora na humihiling kay P-BBM na papasukin sa bansa ang mga ICC investigator para makapag-imbestiga sa naganap na drug war sa panahon ng Duterte admin.


Itinuturing kasi ni Sen. Dela Rosa na parang kapatid si Sen. Risa dahil mistah niya sa PMA at kaibigan pa niya ang yumaong mister ng senadora, tapos parang gusto siyang ipahamak sa ICC, kasi nga noong kasagsagan ng drug war ay siya (Dela Rosa) pa ang PNP chief noon, period!

◘◘◘


WELCOME NA WELCOME SA LAKAS-CMD NI ROMUALDEZ ANG POLITICAL DYNASTY -- Kumalas na rin sa partidong PDP-Laban ni ex-P-Duterte at sumapi na sa partidong Lakas-CMD ni Speaker Martin Romualdez, ang magkakapatid na mga kongresistang sina Masbate 1st Dist. Rep. Richard Kho, 2nd Dist. Rep. Olga Kho at 3rd Dist. Rep. Wilton Kho.


Pagpapakita ‘yan na welcome na welcome sa partidong Lakas-CMD ni Romualdez ang mga political dynasty, boom!

◘◘◘


SMNI NI PASTOR QUIBOLOY MABA-BAD KARMA, MATUTULAD SA ABS-CBN NA MASA-SHUTDOWN? -- Hindi nagustuhan ng mga kongresista ang fake news ng SMNI network ni Pastor Apollo Quiboloy na umabot daw sa P1.8 billion ang naging travel expenses ni Speaker Romualdez, at dahil d’yan ay iimbestigahan ng House Committee on Legislative Franchise ang network ni Pastor Quiboloy.


Kung sakaling tanggalan ng prangkisa ang SMNI ay masasabing ‘yan ang tinatawag na bad karma, kasi noon ay isa ang network ni Pastor Quiboloy sa mga nakiisa sa panawagang “ABS-CBN shutdown” noon, eh ngayon, tila ang SMNI naman ang ipapa-shutdown ng Kongreso, abangan!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page