Police general sa DOH, insulto sa mga health workers
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | October 26, 2022
INSULTO SA MGA HEALTH WORKERS ANG PAGTALAGA NI P-BBM SA POLICE GENERAL SA DOH—Naghihimutok ang mga asosasyon ng health workers sa ginawang pag-appoint ni Pres. Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. kay ret. Philippine National Police chief, Gen. Camilo Cascolan bilang undersecretary ng Department of Health.
May dahilan talaga ang mga health workers na maghimutok kasi malaking insulto sa kanilang hanay ang pagkakatalaga kay Cascolan sa DOH, ang daming doktor na nakatalaga sa DOH na puwedeng maging undersecretary, tapos ang ipinuwesto ay retired police general.
◘◘◘
ANO ANG FAKE NEWS, 'YUNG MARAMING NAGHIHIRAP O MARAMI ANG GUMINHAWA ANG PAMUMUHAY—Sa latest survey ng SWS pumalo na sa 49% pamilyang Pinoy ang nakararanas ng kahirapan sa Pilipinas, pero ayon naman kay National Economic Development Authority (NEDA) Sec. Arsenio Balisacan ay gumaganda na ang pamumuhay ng mga Pilipino sa ilalim ng Marcos administration.
Alin kaya ang fake news, 'yung survey ng SWS na maraming naghihirap o 'yung ibinida ni Balisacan na ang gumaganda na pamumuhay ng mga Pinoy?
◘◘◘
BAKA MAGRETIRO NA LANG SI GEN. AZURIN, HINDI PA NIYA NATUTUMBOK KUNG SINO ANG MASTERMIND SA PERCY LAPID SLAY—Sabi ni PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin ay nasa 160 katao ang "person of interest" na posibleng mastermind na nagpapatay kay Percival "Percy Lapid" Mabasa.
Ganun? Aba'y sa dami ng "person of interest", baka retirado na si Gen. Azurin ay hindi pa nila natutumbok ang utak sa pagpatay kay Percy Lapid.





Comments