Search
  • BULGAR

Pole vaulter Uy, tumalon ng gold medal sa Atlanta

ni Gerard Arce - @Sports | July 30, 2020




Tinalon ni 2019 Southeast Asian Games champion Natalie Uy ang gintong medalya sa nagdaang women’s 19-29 Pole Vault American Track League noong Sabado (Hulyo 25) sa Atlanta, Georgia sa U.S.


Inirehistro ng 25-anyos na Filipina-American ang 4.11-meters na final attempt katabla sina Marissa Kalsey at Megan Zimlich; ngunit dahil sa naging malinis ang mga attempts sa kanyang unang pagtatangka ay napunta rito ang top spot.


Dinaig din ni Uy sa Atlanta sina Payton Phillips na may 3.81m lamang sa 4th spot, Michaela Privallet (3.50), Robin Bone at Jill Marois. Mayroong personal best sina Kalsey at Zimlich ng 4.30m at 4.40m, ayon sa pagkakasunod.


Ito ang ikalawang sunod na torneong nilahukan ni Uy sa gitna ng coronavirus pandemic; kung saan tinapatan nito ang personal record at winasak ang Philippine mark sa ginanap na Acadia Invitational sa Piedmont, South Carolina sa Estados Unidos noong Hulyo 18.


Tinalon ng SEAG gold medalist ang 4.30meters sa (14-1.25) para tumapos sa ika-6th puwesto upang sirain ang national record na 4.25 meters na nakuha rin niya sa nakalipas na 30th edisyon ng biennial meet sa bansa noong Disyembre ng isang taon, kung saan tinalo niya rito ang Thailanders na sina Chayanisa Chomchuendee (4.10m) at Chonthicha Khabut (4.00m).


Nakamit din niya ang parehong talon sa Spanish Club Championship sa Castellion de la Paza sa Spain noong Hunyo 16, 2018. Naisagawa na rin ni Uy na malampasan ang kanyang SEA Games record na ginawa sa New Clark City sa nagdaang biennial meet ng kunin niya ang 4.26 meters sa Indoors at Shebyville noong Marso 20.


Umaasa rin itong makakamit ang isang ticket patungong 2020 Tokyo Games sakaling makapasa sa Olympic standard record na 4.70m mark.


Nais nitong masamahan si men’s pole vaulter Ernest Obiena sa mga nakapagkwalipika na sa quadrennial meet sa pamamagitan ng pagkuha ng qualifying mark na 5.81mark sa Auction Meeting in the Square Pole Vault 2019 sa Italy. Ilan rin sa mga pasok na sa Olympics na lalaruin sa susunod na taon ay sina gymnasts Caloy Yulo at boxers Eumir Felix Marcial at Irish Magno.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.