top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

POKWANG, MASIPAG AT RESPONSIBLE ANG GUSTO SA BAGONG DYOWANG FOREIGNER

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 21, 2023
  • 2 min read

ni Maricon Nolasco @MarisPluk |August 21, 2023



Kahit na masalimuot at puno ng kontrobersiya ang paghihiwalay ng TV host-comedienne na si Pokwang at ng kanyang ex-partner at padir ng anak niya na si Lee O'Brian, marami pa rin daw ang nagpaparamdam at nanunuyo sa kanya ngayon.


Well, pero mukhang hindi pa nga ready si Pokwang na pumasok uli sa isang relasyon dahil ang mas gusto niyang pagtuunan ng pansin ay ang kanyang trabaho para makapag-ipon sa future ng daughter niya na si Malia.


Sumalang ang TV host-comedienne sa 'lie detector test' ng programang Dapat Alam Mo! ng mga hosts na sina Kim Atienza at Susan Enriquez na napapanood sa GMA-7.


Dito na nga natatawang inamin ni Pokwang na marami ngang nagtatangkang manligaw sa kanya ngayon, pero baka 'pag nalaman daw ng mga ito kung magkano 'yung monthly amortization niya ay bigla na lang daw silang mawala.


Nang matanong ang TV host-comedienne kung may napupusuan ba siya sa kanyang mga manliligaw ngayon, mariin nitong sinabi na ayaw niya munang magkaroon ng karelasyon. Ang goal daw niya ngayon ay magtrabaho lang nang magtrabaho.


At kung sakali mang may foreigner ulit na magtatangkang patibukin muli ang puso ni Pokwang, ang tanging hiling lang niya ay sana, masipag at responsable na ito, may sariling trabaho at kita raw.


Binanggit din ng TV host-comedienne na gusto na niyang palitan ang apelyido ng anak nila ng kanyang ex-live-in partner upang maisunod na sa apelyido niya dahil deserve raw ni Malia na gamitin 'yung pangalan ng taong nagmamahal, nag-aalaga at nagbibigay ng oras sa kanya.


Kaya raw gustong alisin ng TV host-comedienne ang surname na O’Brian sa name ni Malia ay dahil hindi naman daw ito present sa buhay ng anak at hindi rin nagpaparamdam.


Ibinulgar din ni Pokwang na hindi naman daw nalungkot ang kanilang anak nang maghiwalay sila ng ama nito. Sa katunayan, mas umiiyak pa raw si Malia kapag wala siya sa tabi nito dahil 'di rin naman daw nakikipag-bonding si Lee at wala rin itong emotional investment sa kanilang anak.


Ay, may ganern?!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page