top of page
BIDA - RURU, UMAMING NAG-CHEAT KAY BIANCA-G _rurumadrid8.jpg

PNP sa mga magulang, titser: Kabataan, bantay-sarado sa socmed, gadget

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 24
  • 1 min read

ni Jeff Tumbado @News | June 24, 2026



Police sa paaralan - PNP Tacloban CPO Police Station 3

Photo: PNP Tacloban CPO Police Station 3



Hinimok ng Philippine National Police (PNP) ang mga magulang, guro, at tagapangasiwa ng paaralan na mas higpitan ang pagmamatyag sa mga anak sa paggamit ng social media at mga gadget kasunod ng madugong insidente ng pamamaril sa isang paaralan sa Tacloban City.


“Ang mga magulang at tagapag-alaga ang unang linya ng depensa. Kailangan nilang maging aktibo at mapagmatyag sa digital na buhay ng kanilang mga anak at ituring ang kanilang online na gawain na kasing halaga ng pag-alam sa kanilang pisikal na kinaroroonan,” ayon kay PNP Chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr.


Nanawagan din ang PNP sa mga guro at administrador ng paaralan na maging katuwang ng mga otoridad sa tinatawag na “digital watch” sa pamamagitan ng maagap na pagtukoy sa pagbabago ng asal o mga nakababahalang interes ng mga estudyante upang maagapan ang anumang posibleng karahasan.


Ang hakbang na ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., upang palakasin ang mga hakbang sa komunidad para sa pag-iwas sa karahasang kinasasangkutan ng kabataan at mas mapahusay ang maagang pagtukoy sa mga senyales nito.


Comments

Couldn’t Load Comments
It looks like there was a technical problem. Try reconnecting or refreshing the page.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page