ni Angela Fernando @News | August 9, 2024
Inamin ng tagapagsalita ng Philippine National Police nitong Biyernes na hindi simpleng bagay ang pag-aresto kay Pastor Apollo Quiboloy sa loob ng Kingdom of Jesus Christ compound nito sa Davao City.
Sinabi ni Police Brig. Gen. Nicolas Torre III, hepe ng Police Regional Office (PRO) sa Davao region, na si Quiboloy ay patuloy na nagtatago sa loob ng 30-ektaryang KOJC compound sa Brgy. Buhangin, kung saan siya ay protektado ng kanyang mga miyembro.
Matatandaang inakusahan si Quiboloy ng sexual abuse at human trafficking. Meron na ring P10-milyong patong sa kanyang pagka-aresto.
Samantala, pinag-aaralan ng pulisya ang kanilang mga opsyon kung paano aarestuhin si Quiboloy matapos magkaroon ng tensyon sa pagitan ng mga alagad ng batas at ng mga miyembro ng KOJC nu'ng Hunyo 10, ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo.
Comments