top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

PNP, hindi lang sa pagpatay sangkot, sabit din sa pagbibigay-proteksiyon sa mga gambling lords!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 28, 2020
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | December 28, 2020



MATAPOS PATAYIN NG PULIS ANG MAG-INA SA TARLAC, MAY 2 PARAK NAMAN ANG NAMUTOL NG ULO SA BAGUIO CITY—Nadamay sa galit ng publiko ang buong PNP (Philippine National Police) dahil sa pagpatay ni P/Sgt. Jonel Nuezca sa mag-inang Sonya at Frank Antonio Gregorio sa Tarlac, at hindi pa humuhupa ang isyu, dalawang pulis na naman ang nasangkot sa karumal-dumal na krimen nang pugutan at i-salvage ang biktimang si Harjan Lagman sa Baguio City.


Dahil d'yan, hindi masisisi ng PNP ang netizens kung mag-post sila sa social media na ang meaning na ng PNP ay "Patay Nang Patay" (PNP), boom!


◘◘◘


HINDI LANG SA PAGPATAY NASASANGKOT ANG MGA PARAK, KUNDI PATI SA PAGBIBIGAY PROTEKSIYON SA MGA GAMBLING LORDS—Hindi lang sa pagpatay nasasangkot ngayon ang mga parak, kundi sa pagbibigay-proteksiyon sa mga gambling lords.


Eh, kung walang parak na nagbibigay-proteksiyon sa mga ilegalista, bakit walang nanghuhuli sa bookies ng karera at lotteng nina "Jr" at "Edmon" sa Caloocan City at lotteng nina "Mario" at "Atan" sa Malabon City, "Jun" at "Santa" sa Valenzuela City at "Leody" sa Navotas? Period!


◘◘◘


'MADAM REYNA' AT 'CESAR PILOSOPO', DAPAT IPA-TOKHANG NI GEN. DANAO—Nang maupong director ng NCRPO (National Capital Regional Police Office) si Gen. Vicente Danao, ang direktiba niya sa kanyang pulisya ay "no-take policy" sa lahat ng mga ilegalista, na ibig sabihin ay wala raw tatanggap ng payola o intelihensiya sa mga gambling lords.


Kaya't ang tanong: Hindi kaya alam ni Gen. Danao na ginagamit nina alyas "Madam Reyna" at "Cesar Pilosopo" ang kanyang pangalan para makapanghingi ng "tongpats" sa mga ilegalista sa Metro Manila?


Kung walang alam dito si Gen. Danao, aba'y dapat ipa-tokhang na niya sina "Madam Reyna" at "Cesar Pilosopo," boom!


◘◘◘


MGA TSUPER, GUTOM NA KAYA NAMAMALIMOS; MGA GAMBLING LORDS, BUSOG!—Halos 50% pa lang ng mga jeepney driver ang pinayagan ng IATF (Inter-Agency Task Force) na bumiyahe sa bansa upang makaiwas daw na magkahawan ng virus, kaya't ang ginawa ng mga tsuper na hindi nakabibiyahe ay namamalimos na lang sa kalsada para may ipangbuhay sila sa kanilang mga pamilya.


Napaka-unfair sa mahihirap ang gobyernong ito kasi hinahayaan nilang magutom at mamalimos mga tsuper, tapos binubusog mga gambling lords nang aprubahang mag-operate ang "Perya ng Bayan" sa Cavite at Rizal, STL (Small-Town Lottery" sa Laguna, Batangas, Iloilo, Negros at Mindoro, mga buwisit!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page