PNP: 800 pulis, itinalaga sa special elections sa Lanao del Sur

ni Lolet Abania | May 18, 2022

Nasa tinatayang 800 pulis ang idineploy ng Philippine National Police (PNP) sa bahaging timog ng lalawigan ng Lanao del Sur upang i-secure ang pagsasagawa ng special elections sa 14 barangay sa lugar.
“Meron na tayong kapulisan at kasunduan na nakalatag po doon. More or less, mga around 800 na mahigit po ang ating personnel na tututok doon sa gagawing special elections diyan sa probinsya ng Lanao del Sur,” ani PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo sa isang press conference ngayong Miyerkules.
Ayon kay Fajardo, gaganapin ang special elections sa 12 barangay sa Tubaran sa Mayo 24. Subalit aniya, naghihintay pa ang organisasyon ng pulisya sa resolution mula sa Commission on Election (Comelec) para sa iskedyul nito.
Sinabi naman ni acting Comelec spokesperson John Rex Laudiangco na ang sitwasyon sa Tubaran ay “na-contained” na matapos ang 12 barangay na mai-report ng pagkakaroon ng karahasan, mga pagbabanta, at intimidation noong Election Day.
Kabilang sa mga barangay na may special elections ay Tangcal, Datumanong, Guiarong, Baguiangun, Wago, Malaganding, Gadongan, Riantaran, Pagalamatan, Mindamunag, Paigoday-pimbataan, at Metadicop.
Bukod sa 12 Tubaran barangay, idineklara rin ng Comelec ang failure of elections sa isang barangay bawat isa sa Butig at Binidayan. Una nang sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia na titiyakin muna ng poll body ang seguridad ng mga naturang lugar bago magsagawa ng special elections.





Comments