top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Plunderers, smugglers, corrupt gov't officials at politicians, dapat isama sa death penalty

BULGAR
Aug 15, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | August 15, 2022


GAMBLING LORDS NG MALABON, WALANG TAKOT SA MGA BAGONG DIRECTOR NG NPDO—Nagbalik operasyon na raw ang lotteng nina alyas Mario Bokbok, Noel at Atan sa Malabon.


Ibig sabihin, lima na pala ang gambling lords na nagraraket sa mga taga-Malabon kasi bukod sa pasakla nina "Lina Robles" at "Ponga" ay laganap na naman ang pa-lotteng nina "Mario Bokbok", "Noel" at "Atan" sa lungsod na ito.


Tila walang takot kay newly appointed Northern Police District Office Director, Gen. Ponce Penones ang mga gambling lords sa Malabon kasi imbes na itigil ang kanilang raket ay mas pinalaganap pa nila ang operasyon ng kanilang mga illegal gambling operations sa lungsod.


◘◘◘


KAYA TULOY ANG RAKET NG MGA SMUGGLERS SA CUSTOMS KASI MALAKAS SILA SA MGA BUWAYA SA ADWANA—Kinuwestiyon ng Commission on Audit ang pagpayag ng Bureau of Customs, na makapagtransaksyon at makapagpasok pa sa bansa ng mga produkto ang 974 importers na may record ng smuggling at iba pang paglabag sa Customs code.


Isa lang ang ibig sabihin kaya nakapag-o-operate at nakakapagtransaksyon pa sa Adwana ang mga importers na may may record, na sila ay ubod ng lakas sa mga buwaya sa Customs!


◘◘◘


DAPAT ISAMA SA DEATH PENALTY ANG MGA PLUNDERERS AT SMUGGLERS—Kung nais ng mga senador at kongresista na maibalik ang parusang kamatayan sa Pilipinas, dapat ang death penalty ay hindi lang para sa mga drug lords, dapat isama sa parusang kamatayan ang mga plunderer at smugglers.


Sa totoo lang, kaya mahirap na bansa ang Pilipinas at maraming naghihirap na Pinoy ay dahil ang kaban ng bayan ay ninanakaw ng mga plunderer, tapos may mga smuggler pa na hindi nagbabayad ng buwis sa pamahalaan.


◘◘◘


KAYA AYAW ISAMA SA DEATH PENALTY ANG MGA PLUNDERERS AT SMUGGLERS KASI BAKA MAY PULITIKO AT SMUGGLER NA PULITIKO 'MABITAY'—Ang problema, kaya ayaw isama ng mga senador at kongresista na patawan ng death penalty ang mga plunderer ay dahil bukod sa mga kurakot na gov't. officials, maraming kapwa nila pulitiko ang nakakasuhan ng plunder.


At kaya ayaw din isama sa parusang kamatayan ang mga smugglers, ay dahil bukod sa ilang pulitiko ang protektor ng mga smugglers ay meron ding politicians na sila mismo ang mga smugglers.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page