top of page
Search
  • BULGAR

Plastic bag na basura, mapakikinabangan na

by Info @Editorial | August 14, 2024



Editorial


Bagama’t ilang araw na mula nang manalasa ang bagyo na nag-iwan ng sangkaterbang basura, hanggang ngayon ay marami pa ring nakatambak sa kalsada at mga tapat ng bahay.


Ang resulta, dagsa ang mga langaw at daga na puwedeng maglagay sa alanganin sa kalusugan ng mamamayan.


Samantala, sa usapin sa basura, nagpalabas ng kautusan ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na nagpapahintulot sa paggamit ng shredded plastic bags na ihahalo sa mainit na aspalto para sa mas magtatagal na pambansang lansangan.


Sa Department Order No. 139, na nilagdaan ni DPWH Secretary Manuel Bonoan, nakasaad na ang lahat ng regional offices, district engineering offices at unified project management office clusters ay maaaring maghalo ng plastic na winasak o ginutay sa hot mix asphalt.


Iniutos ang paggamit ng nasabing basura matapos pumasa sa tests at standards na itinakda ng Bureau of Research and Standards, ayon sa DPWH.


Sa pamamagitan nito, hindi lang basta mababawasan ang basura kundi mapakikinabangan pa. Sana, ito na rin ang sagot sa isa pang sakit sa ulo ng publiko, ang grabeng lubak na kalsada.


Pakiusap naman sa lahat, maging responsable sa pagtatapon ng basura. Kasabay ang pagiging malikhain sa pag-recycle ng mga ito. May mga kababayan tayo na kumikita mula sa basura, tiyaga lang. Sa huli, hindi lang ang iilan ang magbebenepisyo kundi lahat tayo.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page