top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Planong pagre-resign, dapat ituloy sa 2023

BULGAR
Dec 5, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| December 5, 2022

Dear Maestro,


May problema ako sa aking trabaho bilang caregiver. ‘Yung amo ko kasing babae ay sobra kung mag-utos at nahihirapan na akong makisama sa kanya, pero ‘yung inaalagaan ko ay mabait naman sa akin. Talagang may problema lang ako sa misis niya. Balak kong tapusin na lang ang December at magpapaalam na ako sa kanila, tama ba ang desisyon kong ito?


Ang isa ko pang iniisip ay kung magiging okey ba ang susunod kong papasukan kung aalis ako rito? Please, Maestro, tulungan mo akong magdesisyon para hindi ako magkamali, alang-alang sa pamilya ko na sa akin lang umaasa. October 20, 1989 ang birthday ko.


Umaasa,

Rose Anne ng Hong Kong


Dear Rose Anne,


Kung alam mo na may mapapasukan ka naman sa sandaling umalis ka sa kasalukuyan mong trabaho, mas maganda na umalis ka na at lumipat sa bago mong papasukan o maghanap ka ng bagong amo. Malay mo, baka mas maging maganda na ang trato niya sa iyo.


Isipin pa na kapag masama ang loob mo habang nagtatrabaho, lalong papalpak ang iyong ginagawa. Dagdag pa r’yan, dahil masama ang loob mo habang nagtatrabaho ka, baka magkasakit ka pa.


Kaya bakit ka naman magtitiis at magsasakripisyo kung puwede ka namang pumasok sa iba o maghanap ng bagong aalagaan? Ibig sabihin, bago ka umalis sa kasalukuyan mong amo, tiyakin mo muna na may mapupuntahan kang ibang employer at mapapasukan nang sa gayun ay hindi ka matengga r’yan sa Hong Kong na walang trabaho o walang ginagawa at pagkatapos ay aasa sa iyo ang pamilya mo rito sa Pilipinas, lalo na ang iyong mga anak.


Kaya kapag natiyak mo nang may mapapasukan kang iba, magpaalam ka nang maayos sa iyong amo at sabihin mo na kapag may problema ay tawagan ka lang nila at kapag may free time ka ay papasyal-pasyal ka rin sa kanila.


Kapag nakapagpaalam ka nang maayos at tulad ng nasabi na, natiyak mo na may mapapasukan kang bago, makikita mo na kusang luluwag ang iyong kalooban, higit kang magiging masaya at masigla na harapin ang bawat araw upang lalo mo pang matulungan ang iyong pamilya rito sa Pilipinas.


Samantala, sa iyong pagpapaalam, imbes na sa buwan ng Disyembre ka umalis o sa panahon Capricorn, siguraduhin mo lang na sa panahong Aquarius mo ipapatupad ang pag-alis at pagsisimula sa bago mong trabaho.


Ganyan ang suhestyon dahil ang period of Aquarius ay mas magiging paborable sa iyong kapalaran at higit na makapagbibigay sa iyo ng maligaya at matagumpay na kapalaran sa susunod na taong 2023 at sa edad mong 34 pataas.


Kung tatanungin mo naman kung kailan ang period of Aquarius, ito ay karaniwang nagsisimula sa ika-20 ng Enero hanggang sa ika-28 ng Pebrero, kung saan may ilang araw pang pasobra ‘yan patungong period of Pisces hanggang sa kalagitnaan naman ng buwan ng Marso 2023.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page