top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Planong kasal sa seaman BF, tuloy na tuloy dahil ka-compatible

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 7, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| February 7, 2021



Dear Maestro,


May seaman boyfriend ako at five years na ang relasyon namin. Gusto kong malaman kung kami na ba ang magkakatuluyan ng boyfriend ko? Sa kanyang pag-uwi galing abroad ay balak na naming magpakasal.


Matutuloy ba ang nasabing kasal at magiging maligaya ba ang papasukin naming pag-aasawa at uunlad ba ang aming itatayong pamilya? April 12, 1989 ang birthday ng boyfriend ko at August 15, 1994 naman ako.


Umaasa,

Almira ng Dulig, Labrador, Pangasinan

Dear Almira,


Ang zodiac sign mong Leo at Aries naman ang boyfriend mo ay pinaghaharian ng elementong fire o apoy, habang ang birth date mong 15 o 6 (1+5=6) at 12 o 3 (ang 12 ay 1+2=3) naman ang boyfriend mo ay nagsasabing bukod sa zodiac sign, sadyang compatible rin kayo sa birth date o Numerology.


Nangyaring compatible kayo, sapagkat ayon sa Western Astrology, ang pagsasama ng indibidwal na nagtataglay ng kapwa o parehong fire element ay talagang tugma at suweto sa isa’t isa. Gayundin, ang numerong 6 at 3 ay kapwa nasasakupan ng numero na kung tawagin ay “series of 3-6-9”.


Upang maging maligaya at matagumpay ang papasukin n’yong pag-aasawa, sa susunod na taong 2022, itapat ang pinaplanong pagpapakasal sa buwan ng June hanggang July o November hanggang December, sa mga piling petsang 6, 15, 24, 3, 12, 21, 30, 9, 18, 27, 5, 14 at 23, higit lalo sa mga panahong nasa first quarter hanggang new moon o full moon ang buwan sa langit.


Pula, violet, lilac o lavender naman ang gamitin n’yong motif sa kasal dahil sa ganyang paraan, sa papasukin n’yong pag-aasawa, masisiguradong magtatamo kayo ng maunlad, masagana at maligayang pagpapamilya habambuhay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page