top of page

Planong kasal sa 2023, dapat itapat sa suwerteng araw at full moon

  • BULGAR
  • Nov 8, 2022
  • 3 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| November 8, 2022

Dear Maestro,

Naisipan kong sumangguni sa inyo upang malaman kung compatible kami ng boyfriend ko dahil nagyayaya na siyang magpakasal sa susunod na taon. Isinilang ako noong February 10, 1992, habang ang boyfriend ko naman ay isinilang noong October 13, 1991.


Kung matutuloy ang kasal namin sa 2023, ano’ng buwan naman ang mapalad upang maging matagumpay at maligaya ang papasukin naming pag-aasawa?


Umaasa,

Badette ng San Vicente, Apalit, Pampanga


Dear Badette,


Ayon sa zodiac sign mong Aquarius, habang Libra naman ang boyfriend mo, sa Western Astrology, tunay at walang duda na tugma kayo dahil ang inyong mga zodiac sign ay may iisang elementong tinataglay – ang elementong air o hangin.


Samantala, sa Numerology, hindi nakakapagtakang ma-attract n’yo ang isa’t isa dahil ang numerong 10 o 1 (ang 10 ay 1+0=1) na birth date mo at 13 o 4 (ang 3 ay 1+3=4) naman ang boyfriend mo ay masasabing kambal na numero. Katulad ng mga numerong 1, 10, 19 at 28, kakambal ng mga ito ang mga numerong 4, 13, 22 at 31 dahil iisa ang kanilang ruling planet, ito ay ang planetang Sun.


Mas magulo lang nang bahagya ang buhay ng mga Taong Kuwatro (4) o silang may mga birth date na 4, 13, 22, at 31 kung ikukumpara sa buhay ng mga Taong Uno (1) o silang may mga birth date na 1, 10, 19 at 28, dahil bukod sa Sun, may secondary planet pa na umaagapay sa buhay ng mga Taong Kuwatro at ito ay ang planetang Uranus, Saturn at Pluto.


Sa karagdagan pang paliwanag, dahil nagkataong 1 ang birth date mo at dahil ang zodiac sign mong Aquarius ay nasa ilalim pa rin ng numerong 4, ibig sabihin, halos parehong-pareho kayo ng temperaments, pangunahing katangian at kapalaran ng boyfriend mong may birth date na 13 o 4, sa zodiac sign na Libra.


Ito ang pangunahing dahilan kaya kambal na numero ang 4 at 1, gayundin kaya naging magkasintahan kayo, masasabing okey at very satisfied kayo at maligaya ang inyong samahan.


Hinggil naman sa tanong kung ano’ng buwan magandang magpakasal sa taong 2023 para sa inyong dalawa, most preferably, ang buwan ng Abril at Mayo, at maaaring isaalang-alang ang buwan ng Setyembre hanggang Oktubre.


Kung itatanong mo naman ang mapalad na petsa para sa nasabing kasal, isaalang-alang mo na ang Moon ang kakambal naman ng planetang Sun, at ang numero na ikinakapit sa Moon ay ang 7, 16, 25, 2, 11, 20 at 29, kaya sa nasabing mga petsa kayo suwerteng magpakasal.


Habang kabaligtaran nito, kung ikaw ay isinilang sa mga petsang 7, 16, 25, 2, 11, 20 at 29, suwerte at okey naman kung kayo ay magpapakasal sa mga numerong kaakibat ng Sun tulad ng mga petsang 1, 10, 19, 28, 4, 13, 22 at 31.


Tandaan din na ang mga nasabing numero — 1, 10, 19, 28, 4, 13, 22, 31, at 7, 16, 25, 2, 11, 20, at 29 — ay sadyang magkakatugma at suwetong magkakasama at basehan na rin ang nasabing mga numero ng mga mapalad at suwerteng araw para sa mga Taong Uno, Taong Kuwatro, Taong Dos (2) at Taong Siete (7).


At dahil ang Moon at Sun ay hindi dapat paghiwalayin dahil kapwa sila nagbibigay ng init at liwanag sa ating mundo, mas makabubuti ring ituon ang inyong kasal sa panahong nasa kabilugan, papalaki o papabilog ang buwan. Ito ang first quarter, new moon at full moon upang tulad ng papabulas at papalaking buwan sa kalangitan, ganundin ang mangyayari sa inyong relasyon. Kumbaga, palaging may tanglaw ng liwanag at init ng pagmamahalan, kaya naman ang itatayo n’yong pamilya ay nakatakdang maging masagana at panghabambuhay na ring magiging maligaya.

2 Comments


Adonis Bañez
Adonis Bañez
Feb 07, 2023

Sa Anong petsa Po ba kami dapat mag papakasal nitong ka live in ko po.ako po ay sa dec.7 1987 at sya nman Po ay march 16 1981.nka Plano Po dapat kami sa June or July?sana pomasagot

Like

Mhaila Salazar
Mhaila Salazar
Jan 03, 2023

Sir nais ko lang po itanong kasi napagkasunduan nmin ng BF ko na magpakasal sa May 14, 2023. ako po ay ipinanganak ng August 10,1992 at sya naman po ay January 17,1994 nais ko lang po sana malaman kung okey lang po ba yung napili naming buwan at araw? salamat po. aasahan ko po ang inyong sagot maraming salamat po. sana po ma notice.😊

Like

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page