top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Planong kasal sa 2022, pabor sa mag-dyowang Virgo-Taurus

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 7, 2021
1 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | December 07, 2021






KATANUNGAN

  1. Naisipan kong sumangguni sa inyo, Maestro, dahil nagbabalak na kaming magpakasal ng boyfriend ko sa 2022. Gusto kong malaman kung ano’ng buwan magandang magpakasal at kung halimbawang naikasal na kami, magiging maligaya at successful ba ang papasukin naming pag-aasawa?

  2. Isinilang ako noong September 11, 1997, habang ang boyfriend ko naman ay isinilang noong May 7, 1996.

KASAGUTAN


  1. Maganda at maayos naman ang pagkakaguhit ng kaisa-isa, makapal at malinaw na Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na kung matagal na kayong may relasyon ng boyfriend mo at nagmamahalan kayong dalawa, puwede na kayong magpakasal.

  2. Sapagkat ang maligayang pag-aasawa na binabanggit ng kaisa-isa at maayos na Marriage Line (arrow a.) ay kinumpirma rin ng walang bilog, hindi nalatid at nakatuntong sa Bundok ng Jupiter, na tinatawag ding Bundok ng Kaligayahan (arrow b.) na Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ito ay malinaw na tanda na ang papasukin mong buhay-pag-aasawa ay siguradong magiging matagumpay at habambuhay na magiging maligaya.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Ang zodiac sign mong Virgo at Taurus naman ang boyfriend mo ay nagsasabing mapalad at okey kayong magpakasal sa susunod na taong 2022 sa buwan ng Mayo hanggang Oktubre, sa mga piling petsang 1, 10, 19 o 28.

  2. Itapat n’yo lamang ang araw ng kasal sa panahong papabilog o papalaki ang bulas ng buwan. Upang tulad ng papabilog at papabulas na buwan, magiging papabulas at papaunlad din ang inyong samahan at ang itatayo n’yong pamilya habambuhay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page