Plano at aksyon para sa mga binagyo, hindi photo-op!
- BULGAR

- 3 hours ago
- 1 min read
by Info @Editorial | September 2, 2026

Habang unti-unting humuhupa ang baha, saka naman lumilitaw ang tunay na pinsala: mga bahay na balot ng putik, sirang kagamitan, nawalang kabuhayan, at mga pamilyang hindi alam kung saan magsisimula.
Hindi sapat ang pagbisita, litrato at pangakong “may tulong na darating.” Kailangan ng tao ang gobyerno ngayon.
Bilisan ang ayuda. Ilabas agad ang pagkain, malinis na tubig, gamot, hygiene kits at iba pang pangunahing pangangailangan.
Magpadala ng sapat na tauhan at kagamitan para sa clearing at paglilinis. Ang pamilyang ilang araw nang nakalubog sa baha at putik ay walang panahong maghintay sa mabagal na aksyon.
Hindi dapat ipinapasa sa mga biktima ang buong bigat ng pagbangon. Trabaho ng gobyerno na tiyaking mabilis ang assessment, malinaw ang koordinasyon at direktang nakararating ang tulong sa mga komunidad.
Sa panahon ng sakuna, bawat oras ng pagkaantala ay dagdag na paghihirap.
Hindi kailangan ng mga nasalanta ng mahabang paliwanag. Kailangan nila ng gobyernong nakikita at nararamdaman—may pagkain sa mesa, gamot sa maysakit, tulong sa paglilinis at suporta sa muling pagbangon.



Comments