Pipilitin ng NU Bulldogs ang golden double sa UAAP Volley
- BULGAR
- May 14, 2024
- 2 min read
ni Gerard Arce @Sports | May 14, 2024

Mga laro ngayong Miyerkules (MOA Arena)
1 pm – Individual Awarding Ceremony Game 2: Men’s Division
2 pm – UST vs NU Game 2: Women’s Division 4 pm – NU vs UST
Tatangkaing ilista ng National University ang makasaysayang ‘golden double’ sa loob ng 9 na taon na susubukang iuwi ang parehong korona sa women’s at men’s title ng 86th University Athletic Association of the Philippines (UAAP) volleyball tournament laban sa palabang University of Santo Tomas ngayong araw sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Ang Ateneo de Manila University ang huling koponan na lumista ng parehong kampeonato ng pagbidahan ng noo’y si Alyssa Valdez ang pangwawalis sa women’s title nung 2015 sa 16-0, kaantabay ang kampeonato ng men’s team na pinagbidahan ni Marck Espejo upang itala ang makasaysayang double title para sa Katipunan-based squads.
Buo ang loob ng NU Lady Bulldogs na mabawi ang koronang nawala sa kanila noong isang taon ng walisin ng De La Salle Lady Spikers na kakagatin ang kampeonato simula 4 pm na kakikitaan ng pagbawi ng Golden Tigresses na inaabangan ang pagbabalik ni Anggel Poyos sa Game 2 matapos ma-injured sa Game 1 na nagtapos sa straight set.
Hindi naging maganda ang pagbagsak ng kanang bukong-bukong ni Poyos sa paa ng kakamping si Em Banagua sa second set ng laro na tabla sa 11-11.
Hindi na nakabalik pa si Poyos sa laro na biglang nagbago ang takbo ng laro na nagresulta para sa pagkakapanalo ng Lady Bulldogs sa 25-23, 25-20, 25-20, habang tumapos ang 20-anyos na super-rookie ng pitong puntos at walong digs.
Tuluyang inilabas ng playing court ang 5-foot-8 open spiker na nakitang may suot na walking boots, kung saan nagbalik ang masamang alaala ng parehong nangyari sa championship game ng UST kontra sa Ateneo ng magtamo rin ng parehong ankle sprain sa Game 2 noong 2019 Finals.
Comments