Pinoy seaman, umaming nagpuslit ng 200 kilong cocaine
- BULGAR

- Jul 15
- 1 min read
ni Mervin Reyes @News | July 15, 2026

Photo: U.S. Attorney's Office for the Central District of California
Umamin sa kasalanan ang isang Pinoy seaman sa korte sa Los Angeles matapos tanggapin ang responsibilidad sa pagpupuslit ng halos 200 kilong cocaine na sakay ng isang oil tanker mula Ecuador patungong California nitong taon.
Kinilala ng U.S. Department of Justice ang akusado na si Ceasar Tubay Gelacio Jr., 43, tripulante ng oil tanker Aquatravesia.
Ayon sa plea agreement, pumayag umano siyang itago ang mahigit limang kilong cocaine para sa isang hindi pa nakikilalang indibidwal na gumagamit ng alyas Luis.
Sa halip, itinago umano ni Gelacio ang humigit-kumulang 195 kilo (430 pounds) ng cocaine sa garbage compartment at sa kanyang silid sakay ng barko.
Narekober ng mga awtoridad ang ilegal na droga noong Mayo 21, 2026, pagdating ng barko sa California, matapos itong matuklasan ng iba pang tripulante na agad na nagbigay-alam sa mga awtoridad.
Nasa kustodiya na si Gelacio ng mga pederal na awtoridad mula nang siya ay maaresto.
Nakatakda ang paghatol sa kanya sa Oktubre 19, kung saan maaari siyang maharap sa minimum na 10 taong pagkakakulong at maximum na habambuhay na pagkabilanggo sa ilalim ng batas ng Estados Unidos.





Comments