top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Pinoy, para guminhawa ang buhay, magkakapamilyang kandidato ‘wag nang iboto

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 23, 2024
2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Marso 23, 2024


KAPURI-PURI ANG PAGTANGGI NOON NINA EFREN ‘BATA’ AT DOLPHY NA GAMITIN ANG KANILANG KASIKATAN SA PAGPASOK SA PULITIKA -- Kung si billiard king Efren “Bata” Reyes at maging ang yumaong comedy king Dolphy ay ginamit na puhunan ang pagiging sikat para kumandidato noon sa pagka-senador ay sure win sila, kaya lang ayaw nilang gamitin ang kanilang kasikatan para pumasok sa pulitika dahil ayon sa kanila ay hindi naman daw nila alam ang kanilang gagawin bilang mga mambabatas o lawmakers.


Kapuri-puri talaga sina Efren at Dolphy, ‘di tulad ng ibang sikat na personalidad na ginamit ang kanilang kasikatan para pumasok sa pulitika, pero hindi naman alam ang kanilang gagawin kaya ang resulta, wala silang nagagawa at naipapasang batas para sa kapakanan ng bayan at mamamayan. Para lang masabing may ginagawa sila ay nakiki-co-author lang sila sa mga panukalang batas ng mga kasamahan nilang mambabatas, pero iyong mismong sila ang gumawa, wala! Period!


◘◘◘


MGA SIKAT NA PERSONALIDAD, KAYA PUMAPASOK SA PULITIKA PARA MAGKAROON NG KAPANGYARIHAN, MALAKING SUWELDO AT PORK BARREL FUNDS -- Tatlong dahilan lang naman kaya pumapasok sa pulitika ang mga sikat na personalidad, una, magkaroon ng kapangyarihan sa poder, pangalawa, magkaroon ng mga nakakalulang suweldo at mga allowances, at pangatlo, siyempre iyong magkaroon ng “pet projects” o pork barrel funds.


Kung matalino lang sana sa pagboto ang majority Pinoy, na ibabase sa kredensyal ng mga kandidato ang kanilang iboboto, tiyak hindi magwawagi sa halalan ang mga sikat na personalidad na ang kredensyal lang sa pagkandidato ay dahil sikat sila.


Kaya lang ang masaklap na nangyayari sa ‘Pinas, hindi na inaalam ng majority Pinoy ang credentials ng kandidato, basta’t sikat na lagi nilang napapanood sa telebisyon at sine ay iyon ang mga ibinoboto nila, tsk!

◘◘◘


PARA BUHAY NG PINOY GUMINHAWA, IBASURA SA MIDTERM ELECTIONS ANG MGA KANDIDATONG POLITICAL DYNASTY -- Sa October 2024 ay filing na ng candidacy at sa May 2025 ay midterm elections na, at sigurado, may mga political dynasty o magkakapamilyang pulitiko na naman ang sabayang magsisipagkandidato. May mga mag-ama, mag-ina at magkapatid na sabay na tatakbo sa pulitika. 


Muli, dapat tandaan ng mamamayan ang sinabi noon ni former Vice Pres. Leni Robredo na bukod sa talamak na corruption, ang isa sa sanhi ng kahirapan ng Pilipinas ay political dynasty.


Kung nais ng mamamayan, lalo na ng mga mahihirap na Pinoy na guminhawa ang kanilang pamumuhay ay huwag nang magpaloko sa mga political dynasty, dapat ibasura ng majority Pinoy voters ang magkakapamilyang sabayang kakandidato sa May 2025, period!

◘◘◘


BAD TINGNAN NA MAY MGA SINGKIT NA CHINESE NATIONALS NA NAKASUOT NG UNIPORME NG PCG -- Sa hearing sa Kongreso ay nabulgar na may mga Chinese national pala na ginawang miyembro ng Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA) at ang palusot dito ni PCG spokesman Rear Admiral Armand Balilo ay mga volunteer lang daw ang mga ito na tumutulong sa kanila sa humanitarian operations.


Sablay ang palusot na ‘yan ni Balilo, kasi kahit pa volunteer lang ang mga ‘yan ay hindi pa rin maganda na nagsusuot ng uniporme ng PCG ang mga singkit na Chinese nationals, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page