top of page
TALKIES - MARIEL, PROUD NA TRUE FRIENDS SINA TONI, RUFFA, MARJORIE AT CAMILLE VILLAR_IG _m

Pinoy, lunod na naman sa taas-singil

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 11 hours ago
  • 1 min read

by Info @Editorial | August 17, 2026



Editoryal, Editorial


Hindi pa natutuyo ang putik sa mga bahay, may panibagong dagok na agad sa bulsa. Matapos ang bagyo at baha, sasalubungin naman ng mas mataas na singil sa kuryente at dagdag-presyo sa petrolyo ang mga pamilyang pilit bumabangon.


Sa ganitong panahon, bawat piso ay mahalaga. May bubong na kailangang ayusin, gamit na kailangang palitan at pagkain na kailangang pagkasyahin. Kapag tumaas ang petrolyo, hindi lang motorista ang tatamaan.


Susunod ang gastos sa biyahe at pagdadala ng mga produkto. Kapag kuryente naman ang tumaas, dagdag naman sa pasaning hindi naman puwedeng takasan ng ordinaryong tahanan.


Hindi sapat na sabihing epekto ito ng merkado o mga salik na wala sa ating kontrol. Trabaho ng gobyerno na humanap ng paraan para maibsan ang tama sa mamamayan.


Kung may panahon para sa mabilis at konkretong ayuda, subsidiya at mahigpit na pagbabantay sa presyo, ngayon iyon.


Binagyo na. Binaha na. Huwag naman sanang pati sa bayarin, lunurin pa ang Pilipino.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page