top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Pinoy, kamot-ulo na naman sa taas-presyo ng petrolyo

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 1, 2023
2 min read

ni Ryan Sison @Boses | June 1, 2023


Inanunsyo ng mga lokal na kumpanya ng langis na magtataas sila ng presyo ng gasolina ng P1.10 kada litro at i-roll back ng P0.35 kada litro ang presyo ng kerosene noong Martes.


Ipinatupad din ng Seaoil at Shell Pilipinas ang price adjustments noong Martes, alas-6:00 ng umaga.


Sa magkahiwalay na advisories, sinabi rin ng mga kumpanya na walang paggalaw sa presyo ng diesel.


Sa isang panayam, sinabi ni Rino Abad, direktor ng Department of Energy (DOE) Oil Industry Management Bureau, na ang medyo mabigat na pagtaas ng presyo ng gasolina ay dahil sa mataas na global demand.


Gayunman, ito ang ikatlong sunod na linggo ng pagtaas ng presyo ng gasolina, at ang ikalawang linggo ng rollback ng presyo para sa kerosene.


Noong nakaraang linggo, tumaas ng P.080 kada litro ang pump price ng gasolina, at diesel P.060 kada litro. Bumaba naman ng P.010 kada litro ang presyo ng kerosene.


Ayon sa DOE, nagresulta ito sa year-to-date net decrease ng P5.05 kada litro para sa diesel at P6.40 kada litro para sa kerosene. Ang gasolina ay nagkaroon ng net increase ng P5 kada litro.


Sa totoo lang, isang taon nang nakaupo si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ngunit wala pa ring nangyayaring maganda sa Pilipinas.


Kasabay ng sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng bilihin, ngayon naman ay magtataas din ang presyo ng gasolina. Kawawa na talaga ang mamamayan dahil butas na ang kanilang bulsa sa mga presyo ng produkto ngayon.


Hanggang ngayon ay wala pa ring aksyon ang gobyerno upang mapababa ang presyo ng gasolina at maging sa pagkain.


Kaya naman nananawagan tayo sa gobyerno na aksyunan agad ang pagtaas ng presyo sa lahat ng produkto upang mabawasan naman ang sakit ng ulo ng mga Pilipino dahil sa mga krisis na nangyayari sa ating bansa.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page