Pinay publisher, wagi sa Selangor International Book Fair 2023 sa Malaysia

ni Angela Fernando - Trainee @News | December 12, 2023

Nakatanggap ng parangal si Ms. Mary Anne Ordinario, isang Pinay writer at publisher, sa Selangor International Fellowship Programme (SIFC) sa Selangor International Book Fair 2023 (SIBF) na ginanap nu'ng December 1 hanggang 10.
Founder si Ordinario ng ABC-EDC Children Books at isang tubong Mindanao na may gawang 25 na librong pambata.
Wagi ang libro ni Ordinario na “The Crying Trees” ng 2016 Grand Prize sa Samsung KidsTime Award sa Singapore.
Taunang sinasalihan ng mga authors, publishers at mga mambabasa ng panitikan mula sa iba-ibang bansa ang Selangor International Book Fair.





Comments