Pinay, kinasuhan sa ilegal na pagboto sa US

ni Mervin Reyes @News | October 16, 2026

Photo: The United States Department of Justice
Kinasuhan ng US Department of Justice ang isang 63-anyos na Pilipina na permanent resident sa Ohio dahil sa umano’y ilegal na pagboto sa mga halalan sa Estados Unidos.
Ayon sa mga rekord, nagparehistro umano siyang botante noong 2004 at 2023 at nakaboto sa ilang halalan kahit hindi siya US citizen.
Inamin umano ng Pinay na sinabihan siyang maaaring bumoto ng taong tumulong sa kanyang voter registration.
Kabilang siya sa 16 na dayuhang nahaharap sa mga kasong may kaugnayan sa ilegal na pagboto at pagpaparehistro bilang botante sa US.





Comments