top of page

Pinatatakbong mayor ng Tarlac… BIMBY, GAME PASUKIN ANG PULITIKA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 22, 2025
  • 2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 22, 20255



Photo: Bimby Aquino - FB


Mukhang lilinya rin sa pulitika si Bimby Aquino Yap at susunod sa yapak ng kanyang Tito Noynoy Aquino (SLN) at sa yumao niyang lolo, si Benigno “Ninoy” Aquino, Sr..


Nabanggit kasi ng ilang kaibigan ni Kris Aquino na ang personalidad ni Bimby ay nababagay sa mundo ng pulitika. Matalino at malakas ang appeal ni Bimby sa mga ordinaryong tao, kaya nang natanong siya kung interesado ba siyang pumasok sa pulitika kapag nasa tamang edad na, nagpakatotoo si Bimby at sumagot ng “Yes, why not?”


Na-excite rin si Bimby nang malaman na ang kanyang Grandpa Ninoy ay dating mayor sa Concepcion, Tarlac. 


Kaya naman, may mga family friends na kumukumbinse kay Bimby na sa Tarlac na siya kumandidato sakaling papasok na siya sa pulitika. 


Well, tiyak na patuloy na lalabanan ni Kris Aquino ang kanyang karamdaman upang gumaling at matulungan si Bimby sa kanyang pangangampanya. Gagawin ni Kris ang lahat para matiyak lang na mananalo si Bimby.



Sa darating na May 25 ang 40 days ng kamatayan ng Superstar/National Artist na si Nora Aunor. 


Tiyak na paghahandaan ito nina Lotlot, Ian, Matet, Kiko, Kenneth na mga anak ni Guy at ng iba pang malalapit na kaibigan ng Superstar, ganoon din ng mga Noranians.


Nangangako naman ang mga tagahanga ni Aunor na patuloy nilang dadalawin ang puntod ng Superstar at regular silang magpapamisa para kay Aunor. 


Wish din ng mga Noranians na sana, kahit tapos na ang 40 days ni Guy ay ipagpatuloy pa rin nina Lotlot, Ian, Matet, Kiko at Kenneth ang paggunita sa kanilang ina, tulad ng hindi paglimot ng buong movie industry sa mga naging ambag ng isang Nora Aunor at sa malaking karangalan na ibinigay niya sa ating bansa.


Mananatiling nakaukit sa puso ng mga Pilipino ang pagiging icon ni Aunor. At kahit lumipas pa ang ilang dekada, mananatiling nakatatak ang pangalan ni Nora Aunor bilang isang mahusay na aktres at mang-aawit.



ISA kami sa mga nagulat sa pagkakasangkot ni Arnell Ignacio sa diumano’y katiwalian sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).


Tinanggal siya sa puwesto bilang OWWA administrator dahil daw sa loss of trust and confidence. Ang pagbili ng property ng OWWA worth P1.4 billion na hindi isinangguni sa OWWA Board ang sinasabing anomalya na kinasasangkutan ni Arnell. 


Sa ngayon ay under investigation umano si Arnell at posibleng kasuhan kapag napatunayang guilty.


Marami sa mga kaibigan ni Arnell ang nagsasabing maaaring na-frame-up lang ang TV host-comedian at sana raw ay may magaling na abogadong makuha si Arnell upang siya ay tulungan at ipagtanggol. 


Matagal na naming kilala si Arnell Ignacio. Alam namin na hindi siya ang tipo ng taong agad masisilaw sa salapi. Napaka-dedicated at hardworking niya. Halos hindi na siya natutulog sa kaka-follow-up sa mga OFWs na may problema sa kanilang employers.


Maaaring kinainggitan lang si Arnell Ignacio at idinawit sa nasabing anomalya. Maaaring na-overlook ang ilang bagay sa kanyang tungkulin bilang OWWA administrator kaya nakahanap ng pagkakataon ang kanyang mga kalaban upang gawan siya ng isyu at maakusahan. 


Hard lesson in life, at sana, malinis niya ang kanyang pangalan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page