‘Pinas, Top 7 sa “Worst Countries in the World”, nakakahiya
ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | October 23, 2023
‘PINAS RANK 78 SA QUALITY OF LIFE NA IBIG SABIHIN BAD ANG KALIDAD NG PAMUMUHAY SA BANSA -- Sa inilabas na datos ng Numbeo.com na nakabase sa Serbia patungkol sa "Quality of Life 2023-Midyear" para sa 84 na bansa sa mundo, number 1 ang Luxembourg at lagapak ang Pilipinas sa rank 78.
Ibig sabihin n’yan ay fake news lang ang ikinalat sa social media ng mga Marcos vloggers noong 2022 presidential election na kapag si BBM (Bongbong Marcos) ang naging presidente ng bansa ay gaganda na ang pamumuhay ng mga Pilipino, kasi kung pagbabasehan ang datos ng Numbeo.com hanggang ngayon ay hindi maganda o bad pa rin ang kalidad ng pamumuhay ng mga Pinoy sa ‘Pinas, boom!
◘◘◘
‘PINAS, TOP 7 ‘WORST COUNTRIES IN THE WORLD’ -- Pasok sa top 10 ang Pilipinas patungkol sa “Worst Countries in the World to Live In 2022-Midyear”.
Ayon sa record ng Numbeo.com, ay rank number 1 ang Nigeria, at rank 7 ang Pilipinas sa mga bansang tinaguriang “worst countries” sa buong mundo, saklap!
◘◘◘
TATAMAAN KAY EX-P-DUTERTE ANG MGA KONGRESISTANG PORK BARREL POLITICIANS -- Tatakbo raw si ex-P-Duterte sa pagka-senador sa 2025 election para raw talupan niya sa corruption ang Kongreso.
Hanggang ngayon ay marami pa rin ang mga Duterte Diehard Supporters (DDS) kaya’t sure win si ex-P-Duterte sa pagka-senador. Kaya kapag naging senador ang dating presidente sa 2025 election, asahan nang maraming kongresistang pork barrel politicians ang tatamaan sa mga gagawing pagbubulgar ng dating pangulo, abangan !
◘◘◘
CUSTOMS OFFICIALS DEDMA SA RAKET NA CHINESE PAPUTOK SMUGGLING NI ‘ENTENG CHENG’ -- May impormasyon na ngayong nalalapit na naman ang Kapaskuhan at Bagong Taon, ay nagpupuslit na naman daw si alyas "Enteng Cheng" ng mga smuggled Chinese firecrackers sa bansa.
Taun-taon ay ganyan ang raket ni "Enteng Cheng" pero ang kataka-taka, sa kabila na illegal ang smuggling ay walang ginagawang aksyon ang mga Customs officials para "tokhangin" ang bigtime Chinese paputok smuggler na ito, period!





Comments