top of page
BULGARY - LUCAS LORENZO, NA-BANNED DAW SA GOLF DAHIL SA SABLAY NA ASA-IG _juliabarretto.jp

'Pinas, safe sa Ebola

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 6 hours ago
  • 1 min read

ni Mai Ancheta @News | May 24, 2026



Ebola virus

Photo: File



Kinalma ng Department of Health (DOH) ang publiko sa pangamba ng Ebola virus.

Kasunod ito ng ulat na mayroong outbreak o pagkalat ng Ebola sa Democratic Republic of Congo.


Sinabi ni DOH Undersecretary Albert Domingo na walang kaso ng Ebola sa Pilipinas kaya walang dapat na ipag-alala ang publiko.


Malayo aniya sa panganib ang bansa dahil napakalayo ng Pilipinas sa West Africa.

Bukod dito, sinabi ni Domingo na walang rekomendasyon ang World Health Organization (WHO) na travel ban kaya hindi magpapatupad ang gobyerno.


Ang gagawin aniya ng gobyerno, partikular ng Bureau of Quarantine ay magpatupad ng mahigpit na screening sa mga pasaherong papasok sa bansa na nanggaling sa Congo at Uganda.


Naunang naglabas ng abiso ang WHO na ang Ebola outbreak sa Congo at Uganda  ay isang public health emergency of international concern.

Ipinaliwanag ni Domingo na ang Ebola virus ay hindi katulad ng Covid-19 na maaaring masagap sa hangin.


Nahahawa aniya ito sa pamamagitan ng body fluids at kabilang sa mga sintomas ay pagsakit ng ulo, lagnat at sakit sa mga kasu-kasuan at kasunod nito ay pagtatae, pagsusuka at matinding pagkahilo.


Sinabi ni Domingo na walang gamot sa Ebola at walang bakuna para rito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page