top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

‘Pinas, puro bad news at walang good news ang nababalita sa buong mundo

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 27, 2023
2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | November 27, 2023


AKALA NG MGA PULITIKONG ANTI-DUTERTE WASAK NA ANG UNITEAM NG MARCOS AT DUTERTE, BUO PA PALA -- Inanunsyo ni presidential sister, Sen. Imee Marcos na maayos at remain strong daw ang relasyon o samahan nina Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) at Vice President, Dept. of Education (DepEd) Sec. Sara Duterte-Carpio.


Sakit sa dibdib ng mga pulitikong anti-Duterte ang sinabing ‘yan ni Sen. Imee, kasi akala nila wasak na ang UniTeam ng Marcos at Duterte, buo pa pala, period!


◘◘◘


KAPAG NAGING SENADOR SI EX-P-DUTERTE, MALAMANG ARAW-ARAW MAG-PRIVILEGE SPEECH ITO SA SENADO LABAN SA KAMARA -- Dapat seryosohin ng Kamara ang banta ni ex-P-Duterte na babalik siya sa pulitika, na tatakbong senador sa 2025 election at bise presidente sa 2028 presidential election, kapag in-impeach ang anak niyang si VP Sara.


Dito muna tayo sa isyung pagtakbong senador ni ex-P-Duterte, saka na ang pagtakbo niyang bise presidente dahil matagal pa ang 2028 presidential election.


Sa rami ng DDS, tiyak mananalong senador si ex-P-Duterte, at kapag senador na siya, malamang ang gawin ng dating presidente ay araw-araw mag-privilege speech sa Senado laban sa mga cong. sa Kamara, boom!


◘◘◘


WALANG LIBRENG GAMUTAN SA BATAS NA UNIVERSAL HEALTH CARE -- Ang mga mamamayan na dating sumusuporta sa Universal Health Care na isinabatas ng mga senador at kongresista noong February 2019 ay kinokondena na ngayon ang batas na ito, kasi nga hindi raw ito maramdaman ng mamamayan, lalo na ng mga pasyenteng naka-confine sa mga pagamutan.


Nang isinasabatas pa lang kasi ang Universal Health Care, ang sabi ng mga senador at kongresista ay kapag naging ganap na batas daw ito, libre nang magpagamot sa mga ospital, pribado man o pampublikong pagamutan, kaya naman sinuportahan ito ng mamamayan.


Ito na ang siste, nang maisabatas nga ito noong February 2019, eh November 2023 na, pero ang mga pasyenteng nako-confine sa mga pagamutan ay nagbabayad pa rin, ibig sabihin, fake news lang pala na libre na ang magpagamot sa ilalim ng Universal Health Care, period!

◘◘◘


DAMING BAD NEWS SA ‘PINAS -- Sa inilabas na data ng Asia Scam Report, ay number 1 ang Pilipinas na may pinakamaraming nabiktima ng “shopping scam” sa buong Asya.


Hay naku, puro bad news na lang ang nababalita sa buong mundo patungkol sa Pilipinas, at walang good news.


Dati naitala ang Pilipinas na may pinakamaraming ignorante sa mga national issues, kabilang din ang ‘Pinas sa delikadong bansa para sa mga journalist, may report din na kabilang ang mga Pilipino sa mga malungkuting tao sa mundo. Heto pa, kabilang ang ‘Pinas sa may pinakamabagal na internet, at kahit agricultural country ang ‘Pinas ay number 1 ang bansa sa buong mundo sa pag-i-import ng bigas, tsk!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page