top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

‘Pinas, prayoridad ng China sa human trial ng bakuna kontra COVID-19, nakupo!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 30, 2020
  • 1 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | July 30, 2020



Bubuksan na ang mga internet shop at gym.


Mainam naman!


◘◘◘


Mahalaga ang papel ng internet shops sa online class.


Kailangan ito ng mga walang computer sa mga bahay!


◘◘◘


Uunahin ng China ang Pilipinas sa kanilang COVID-19 vaccine human trials.


Nanangkupooo!


◘◘◘


Nagmamaniobrahan na sa Spratly Islands.


Nagkakainitan na ang U.S. at China!


◘◘◘


Dalawa ang posibleng maranasan sa Disyembre.


Makarekober o mas maging grabe ang krisis!


◘◘◘


Maaaring magkaroon ng bakuna kontra COVID-19 sa Disyembre.


Pero, walang “bakuna” sa mga bangkaroteng negosyo!


◘◘◘


‘Yung mga promdi na stranded sa Metro Manila at nawalan ng trabaho ay ngayon pa lamang nakakauwi sa mga lalawigan.


Meaning, patuloy na nababawasan ang populasyon sa Kamaynilaan na ang ibig sabihin ay “walang galaw ang ekonomiya”!


◘◘◘


Iniulat na bumagsak ng halos 90 porsiyento ang kita ng no. 1 commercial bank sa Pilipinas.


Paano pa ‘yung mas maliliit na bangko?


Kumikita pa ba sila o bangkarote na?


◘◘◘


Marami ang muling nagbukas ng negosyo at nangapital ng nalalabing “ipon”.


Ang problema, walang gaanong sales—at walang pambayad sa renta at pampasuweldo sa tauhan!


◘◘◘


Patuloy na ninanakaw lang ang kaban ng bayan.


Ibig sabihin, napakalaki ng campaign funds ng mga incumbent LGUs executives!


◘◘◘


Inaasahang magre-reorganized ang mga grupo na natapakan ng Duterte administration.


Pagsasama-samahin nila ang “pondo” para isuporta sa oposisyon!


◘◘◘


Ang karaniwang problema sa isang malakas na oposisyon ay lideratura.


Ibig sabihin, kailangan ay isa lang ang kanilang kandidato.


Kapag nagkawatak-watak sila, ang magwawagi pa rin ay maka-Digong!


◘◘◘


Para matakasan ang eleksiyon sa 2022, binubuhay ang ChaCha.


Ha-ha-ha!

◘◘◘



Matagal nang modus na kapag nauubos na ang termino ng isang Pangulo, pinupuwersa ang ChaCha.


Pero, walang nagtatagumpay!


◘◘◘


Sa totoo lang, next year ay mistulang lame duck president na si P-Digong.


Unti-unti nang hihina ang poder at ang mga oportunistang sepsep ay kakabilang bakod na!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page