top of page

'Pinas, mas bumubuti ang kampanya kontra gutom — PBBM

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 29, 2024
  • 1 min read

ni Eli San Miguel @News | Oct. 29, 2024



Photo: Pangulong Bongbong Marcos - Presidential Communications Office


Inihayag ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na mas bumubuti ang pagtugon ng 'Pinas sa problema sa gutom, sa isang sectoral meeting sa Malacañang Palace ngayong Martes


Naganap ang pahayag ng Pangulo matapos iulat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang naibawas na 300,000 pamilyang nakakaranas ng gutom noong nakaraang taon dahil sa Food Stamp Program (FSP).


Sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian kay Marcos na ang bilang ng mga pamilyang nakakaranas ng gutom ay bumaba sa 700,000 mula sa isang milyong pamilya nang ipinatupad ang FSP.


Ipinapakita ng datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong 2023 ng pagbaba sa bilang ng mga pamilyang nakakaranas ng gutom mula sa isang milyon noong 2021 hanggang 700,000 noong nakaraang taon.


Itinatag ang Food Stamp Program (FSP) sa pamamagitan ng Executive Order No. 44, s. 2023, bilang isang pangunahing inisyatiba ng pambansang gobyerno at ng DSWD upang labanan ang 'di-inaasahang gutom sa mga low-income na pamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page