top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

‘Pinas, malaya na sa mananakop na dayuhan, pero hindi pa sa mga ‘buwaya’!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 13, 2023
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | June 13, 2023


‘PINAS NAKALAYA NA SA MGA MANANAKOP NA DAYUHAN, PERO SA MGA ‘BUWAYA’ SA GOBYERNO HINDI PA -- Ipinagdiwang kahapon ang ika-125 taong Araw ng Kalayaan ng Pilipinas mula sa mga mapanakop na dayuhan.


Ang tanong, kailan naman kaya lalaya ang ‘Pinas, ang mga Pilipino sa kamay ng mga "kurakot" sa pamahalaan?


Nakalaya na nga tayo sa mga mapanakop na dayuhan, ang masaklap nga lang, sa mga “buwaya” sa gobyerno, hindi pa, boom!


◘◘◘


ARAW NG KALAYAAN, SINABAYAN NG PANG-EEPAL NG DOLE -- Ang Araw ng Kalayaan ay sinabayan ng pang-eepal ng DOLE (Dept. of Labor and Employment).

Naglunsad kasi ang DOLE ng "Kalayaan Job Fair".


Sa totoo lang kasi, ‘yang job fair na kadalasang inilulunsad ng DOLE ay for recommendation lang ginagawa ng DOLE officials sa mga kumpanya, ang masaklap, hindi lahat ng inirerekomenda ay natatanggap sa trabaho, at kung may matanggap man, kakarampot lang ang nabibigyan ng work, period!


◘◘◘


HALOS 1 TAON NA SA PUWESTO SI P-BBM PERO WALA PA RING PUMAPASOK NA FOREIGN INVESTOR SA ‘PINAS -- Sa halos isang taon sa puwesto ni Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) ay napakaraming bansa na ang kanyang binisita, kasama ang kanyang mga amuyong, at ang bukambibig lagi niya ay kaya raw siya madalas lumabas ng bansa ay para manghimok ng mga foreign investors na magnegosyo sa Pilipinas.


Ang masaklap, mag-iisang taon na sa puwesto si P-BBM, pero kahit isang foreign investor sa mga bansang kanyang pinuntahan, hanggang ngayon ay wala pang nag-i-invest o nagtatayo ng negosyo sa ‘Pinas, tsk!


◘◘◘


DAPAT BAWASAN NA NI P-BBM ANG PAGLABAS NG BANSA -- Next month ay SONA (State of the Nation Address) ni P-BBM, at kung sakaling pagkatapos ng kanyang SONA ay wala pa rin kahit isang foreign investor na magtayo ng negosyo sa Pilipinas, dapat bawas-bawasan na niya ang pagbibiyahe palabas ng bansa.


Nasasayang lang kasi ang pera ng bayan, sangkaterbang amuyong ang kanyang isinasama sa ibang bansa, tapos wala namang nahihimok na foreign investors na magtayo ng negosyo sa ‘Pinas, boom!



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page