ni Angela Fernando @News | July 2, 2024
Kinondena ng 'Pinas nitong Martes ang pagpapalipad ng North Korea ng dalawang ballistic missile, na tinawag na isang hakbang ng probokasyon na sumusubok sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon.
Ayon sa mga ulat, naglunsad ang Pyongyang ng dalawang missile nu'ng Lunes, isang araw matapos magtapos ang mga pagsasanay ng militar ng United State, South Korea, at Japan.
Nagpahayag ang Maynila na ang paglulunsad ng missile ng North Korea ay nagdudulot lang ng pagtaas ng tensyon at nagpapahina sa pagunlad ng ekonomiya, kapayapaan, at katatagan sa Korean Peninsula at rehiyong Indo-Pasipiko.
"The Philippines has repeatedly called on the DPRK to comply with its international obligations and the relevant UN Security Council resolutions and to commit to constructive and peaceful dialogue with the Republic of Korea," saad ng Department of Foreign Affairs.
Samantala, naglabas ng komento ang South Korea at sinabing malamang na bigo ang pangalawang missile matapos itong ilunsad at sumabog na sa himpapawid.
Comments