top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

‘Pinas, ibalik sa parliamentary form of gov’t., para lahat assemblyman at wala nang senador

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 14, 2024
2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Marso 14, 2024


DAPAT ISALPAK NI SEN. ROBIN NA ANG TULAD NIYANG PUBLIC OFFICIAL, NASA PANIG NG MAMAMAYAN, LALO NG MGA RAPE VICTIM AT ‘DI SA KAIBIGAN NIYANG SUSPECTED RAPIST -- Sa kabila na nabatikos na siya ng publiko dahil sa pagtatanggol kay Pastor Apollo Quiboloy na may mga kasong rape, sexual abuse at child sex trafficking sa mga Pinay sa Amerika at pang-aabuso sa mga kababaihang kasapi ng kanyang sekta sa Pilipinas ay todo-depensa pa rin ang senador sa pastor, at ayon sa kanyang latest statement ay hindi raw niya ito iiwan sa laban kasi kaibigan daw niya ito.


Dapat isalpak ni Sen. Robin sa kanyang kukute na siya ay isang public official na dapat pumapanig siya sa kapakanan ng mamamayan, lalo na sa mga biktima ng rape, at hindi sa kaibigang may kasong panggagahasa siya pumapanig, period!


◘◘◘


MALAMBOT ANG SENATE PRESIDENT, ASTIG ANG HOUSE SPEAKER -- Bigo si Sen. Padilla na makakalap ng walong pirma ng mga senador na miyembro ng Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality para hindi matuloy ang pagpapaaresto ng Senado kay Pastor Quiboloy, at dahil tapos na ang isang linggong palugit ay dapat nagpalabas na si Senate President Migz Zubiri ng arrest order laban sa pastor, pero hindi niya ito ginawa at sa halip ay sinabihan si Sen. Risa Hontiveros na show cause order muna ang ilabas at baka sakali raw ay humarap na ito (Quiboloy) sa Senado.


Malambot pala itong si Zubiri, ang layo niya kay House Speaker Martin Romualdez na astig, kasi nang muling isnabin ni Pastor Quiboloy ang House hearing tungkol sa prangkisa ng SMNI network, ay agad nagpalabas ng arrest order ang Speaker laban sa pastor, boom!

◘◘◘


‘PINAS IBALIK SA PARLIAMENTARY FORM OF GOV’T. PARA LAHAT NG LAWMAKERS ASSEMBLYMAN, WALA NANG SENADOR -- Kung hindi rin lang maaalis ang pork barrel (pet projects na tawag ngayon) ng mga mambabatas, sa gagawing pagbabago sa Konstitusyon dapat ay galawin na rin ang political provisions, ibalik sa dati, noong year 1971 sa panahon ni former Pres. Ferdinand E. Marcos Sr., na gawing parliamentary form of government ang sistema ng pamahalaan ng Pilipinas, wala nang senador, lahat ng mambabatas ay assemblyman na para silang lahat ay pantay-pantay ang pork barrel.


Shocking kasi ang ibinulgar ni former Sen. Ping Lacson na sa P160 billion pork barrel ng Senado ay 24 senador lang ang maghahati-hati rito, kumpara sa P176 billion pork barrel ng Kamara na higit 300 kongresista ang maghahati-hati rito, period!


◘◘◘


GAMBLING LORD NA SI ‘TOCE’ NG LAGUNA, DAPAT IPA-TOKHANG NA NI COL. UNOS -- Nagsagawa na ng imbestigasyon ang Kongreso tungkol sa talamak na illegal gambling sa bansa, pero ang isang alyas “Toce” ay hindi pa rin daw tumitigil sa kanyang raket na STL-bookies at lotteng sa buong lalawigan.


Dapat ipa-tokhang na ni Laguna PNP Director, Col. Gauvin Unos si “Toce” para hindi isipin ng Kongreso at ng mga taga-Laguna na “nganga” lang siya sa illegal gambling operations ni “Toce” sa lalawigan, boom!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page