'Pinas, 'di malaya sa mga magnanakaw... Gov’t officials, mala-sindikato — Sara
- BULGAR

- Jun 13
- 1 min read
ni Mylene Alfonso @News | June 13, 2026

Photo: Inday Sara Duterte
Pinasaringan ni Vice President Sara Duterte ang mga opisyal ng gobyerno sa kanyang mensahe para sa Independence Day, na umano’y sangkot sa pagnanakaw ng pondo ng bayan.
Aniya, ang kalayaan at soberanya ay hindi nawawala sa mga foreign invaders lamang. Hindi sa pagsakop lamang ng mga foreign invaders. Nawawala din umano ito kapag ang matataas na opisyal ng pamahalaan ay mala-sindikato sa pagnanakaw ng pera ng bayan.
Ayon sa Bise Presidente, ang korupsiyon ay “nagnanakaw mismo ng kalayaan.”
Idinagdag niya na ang kalayaan ay hindi kailanman permanente kung hindi ito ipinagtatanggol at pinangangalagaan.





Comments