top of page
Search
BULGAR

'Pinas, dapat maghanda sa pagkapangulo ni Trump — Escudero

ni Eli San Miguel @News | Nov. 11, 2024



Photo: Chiz Escudero at Donald Trump - Social media


Inihayag ni Senate President Francis "Chiz" Escudero na dapat maghanda ang Pilipinas sa anumang pagbabago sa patakaran na ipinangako ni U.S. President-elect Donald Trump at magsimula nang mag-isip ng mga tugon ngayon.


“Donald Trump is a major macroeconomic assumption,” ani Escudero.


“From trade to security to immigration, what he said he plans to do, some on day one of his administration, would certainly impact us,” dagdag niya.


Nagbabala si Escudero na kung itutuloy ni Trump ang malawakang deportasyon, maaaring maapektuhan ang mga 300,000 Pilipino. Kahit 1% lang ang ma-deport, kailangan ng 10 malalaking eroplano.


“How will his plan to erect high tariff walls affect our economy given the fact that almost $1 in every $7 of our export earnings come from our trade with the United States?” pagbibigay-diin niya.


“Kung dahil sa kanya lalakas ang dolyar, ano ang epekto nito sa atin kung ang dulot nito ay ang paghina ng piso? Siguradong lolobo ang halaga ng ating foreign debt," pahayag pa ng Senate leader.


Sinabi pa ni Escudero na ang ipinapanukalang pagbabago ni Trump sa harap ng diplomasiya ay magpapahupa ng mga tensyon sa buong mundo at mag-aayos ng mga digmaan, ngunit makakaapekto pa rin ang mga tagumpay na ito sa ating posisyong piskal.

0 comments

Recent Posts

See All

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page