Search
  • BULGAR

‘Pinas, ang daming pinausong “quarantine terms”, pero marami pa rin namang tinatamaan ng virus, tsk!

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | June 30, 2020



ANG DAMING PINAUSONG “QUARANTINE TERMS” NG ‘PINAS—May bago na namang “quarantine term” ang gobyerno at ito ay ang extreme localized community quarantine (ELCQ).


Sa ‘Pinas lang merong ganyan kasi sa ibang bansa ay lockdown at quarantine lang naman ang gamit nila, pero sa atin, merong ECQ (enhanced community quarantine), MECQ (modified enhanced community quarantine), MGCQ (modified general community quarantine) at general community quarantine (GCQ), at ang latest na pauso ay ang ELCQ.


Pero sa dami ng pinausong “quarantine terms” ng gobyerno, eh, hindi naman bumababa, bagkus ay patuloy na tumataas ang bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa bansa, boom!

◘◘◘


TAGA-IATF, DAPAT MAG-SEMINAR MUNA KAY SEN. KIKO—Ayon kay Sen. Kiko Pangilinan, kung papayagan ng IATF (Inter-Agency Task Force) na makapamasada ang mga tradisyunal na jeep ay dalawang problema agad ang nasolusyonan ng gobyerno — karagdagang public transport para sa mga mananakay at hanapbuhay naman para sa mga tsuper at operator nito.


May punto ang sinabing ito ng senador, dapat siguro ay mag-seminar muna kay Sen. Kiko ang mga itinalaga ni P-Duterte sa IATF nang sa gayun ay matutunan nilang lutasin ang mga problemang kinahaharap ng mamamayan sa panahon ng krisis, period!


◘◘◘

AYON KAY SEC. BELLO, WALANG MAI-STRANDED NA OFWs SA METRO MANILA, PERO HIRIT NI SEC. LORENZANA, MERON PA—Tiniyak ni Sec. Silvestre Bello ng Department of Labor and Employment (DOLE) na wala nang OFWs ang mai-stranded sa Metro Manila, pero ayon kay Sec. Delfin Lorenzana ng Department of National Defense (DND) ay wala munang pahihintulutang stranded sa Kalakhang Maynila na makauwi sa kanilang probinsiya dahil ang mga lalawigan na dati ay walang record ng COVID-19 ay meron na ngayon. Ito ay dahil may dala palang COVID-19 ang ilan sa mga stranded na hinayaan ng pamahalaan na makauwi sa kanilang probinsiya.


Tila kakainin ni Sec. Bello ang pramis niyang walang ma-i-stranded na OFWs kasi sa tema ng pahayag ni Sec. Lorenzana, sinuman ay ban munang makauwi sa kanilang mga probinsiya, boom!


◘◘◘


BUHAY PA ANG MGA MANRARAKET PERO SINUSUNOG NA ANG KALULUWA NILA SA IMPIYERNO—Nagbukas na raw ang raket na lotteng ni “Don Ramon” at bookies ni “Boy Abang” sa Maynila.


Ito ang mga uri ng tao na buhay pa, pero sinusunog na ang kaluluwa sa impiyerno.


Isipin mo, kahit may krisis ngayon dulot ng COVID-19, eh, nagagawa pa nilang raketin ang mamamayan sa kanilang illegal na aktibidad, pwe!

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.