top of page

Pinapahiya, pinagbabantaan... 150 biktima ng online lending apps

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 23
  • 1 min read

ni Mylene Alfonso @News | June 23, 2025



File Photo: Presidential Anti-Organized Crime Commission - PAOCC



Naghain ng reklamo ang mahigit 86 na biktima ng pang-aabuso ng ilang online lending applications (OLAs). 


Ito ang iniulat ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC). 

Bandang alas-6 ng umaga pa lamang, dumating na sa kanilang tanggapan ang mga biktimang nakaranas ng pagbabanta o pananakot mula sa mga online lending applications, upang magsumite ng kanilang sinumpaang salaysay.


Binigyang-diin ng PAOCC na ang mga ilegal na pamamaraan na ginagamit ng mga OLAs, kabilang ang public shaming, doxing, coercive messaging, at pagbabanta, ay malinaw na paglabag sa data privacy, lending regulations, at human dignity. 


Nakiisa rin ang United OLA Victims Movement (UOVM) sa sabayang pagsasampa ng reklamo. 


Ang UOVM ay isang civil society organization na pinamumunuan ni Kikay Bautista, na tumutulong at gumagabay sa mga biktima ng online lending harassment. 


Ayon kay Usec. Gilberto Cruz, ang pagdagsa ng mga bagong reklamo ay malinaw na tanda na mas maraming Pilipino ang nagpapasya nang ipaglaban ang kanilang mga karapatan at labanan ang pang-aabuso.


Sa kasalukuyan, mayroon aniya silang humigit-kumulang 150 pormal na reklamo, at inaasahan nilang darami pa ito habang dumarami ang mga biktima na nagsusumbong. 

“These abusive practices must end, and we are committed to holding perpetrators accountable,” ani Cruz.


Komentar


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page