top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Pinakamalaking eleksyon sa India, kasado na

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 2, 2024
1 min read

ni Eli San Miguel - Trainee @News | April 2, 2024




Nalalapit na ang pinakamalaking pangkalahatang halalan sa India, na may napakalaking populasyon at halos 970 milyong botante.


Tampok sa nasabing eleksyon si Prime Minister Narendra Modi na kilala sa kanyang pananaw bilang Hindu nationalist, na humaharap sa isang koalisyon ng mga partido ng oposisyon.


Bagaman napataas ni Modi ang katayuan ng India sa pandaigdigang antas, nagdulot din ang kanyang panunungkulan ng mga hamon sa pagtaas ng kawalan ng trabaho at mga minority groups, lalo na ang mga Muslim, na hinaharap ang mga atake mula sa mga Hindu nationalist.


Tatagal ang halalan sa anim na linggo, na magsisimula sa Abril 19, at magkakaroon ng resulta sa Hunyo 4.


Pipili naman ang mga botante ng 543 miyembro para sa mababang kapulungan ng Parliamento gamit ang sistema ng may pinakamaraming boto.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page