Pinakamabentang endorser... TRONO NI SARAH, KAY KATHRYN NA
- BULGAR

- May 29
- 2 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 29, 20255
Photo: Kathryn Bernardo - IG
Sa dami ng ine-endorse na produkto ngayon ni Kathryn Bernardo, mukhang naagaw na niya ang trono ni Sarah Geronimo bilang top celebrity endorser. Nang magpakasal si Sarah kay Matteo Guidicelli, nabawasan ang exposure at endorsements ng Pop Princess lalo na’t wala naman siyang regular na TV show at hindi na rin gumagawa ng pelikula.
Si Kathryn Bernardo ay sumikat pa nang husto nang maghiwalay sila ni Daniel Padilla. Napunta kay Kathryn ang simpatya ng tao. Bukod dito, box office hit ang balik-tambalan nila ni Alden Richards, ang Hello, Love, Again (HLA) na bilyon ang kinita sa takilya.
Ngayon ay kabi-kabila ang malalaking offers kay Kathryn upang mag-endorse ng produkto. Kapag nagtuluy-tuloy ang suwerte niya, tiyak na makakapagpundar siya ng maraming investments tulad nina Bea Alonzo at Sarah Geronimo.
At mas okey para kay Kathryn ang solo at walang ka-love team. Panahon na para mag-mature ang image ni Kathryn Bernardo bilang isang artist.
Kapalit ni Atasha...
JULIA, PANTAPAT NG EB! KAY ANNE NG IS!
Nawala man pansamantala si Atasha Muhlach sa Eat…Bulaga! (EB!), bongga naman ang kinuha at ipinalit sa kanya sa show. Ilang beses nang napapanood bilang co-host sa EB! si Julia Barretto. Madali siyang naka-adjust sa mga orig na hosts ng show. Pasado rin si Julia sa mga viewers ng noontime show dahil lively at may pasayaw-sayaw pa siya kapag nagho-host sa EB!.
Kaya marami ang nagsasabing si Julia ang ipantatapat ng EB! kay Anne Curtis na pambato naman ng It’s Showtime (IS).
Marami ang naaliw sa pagiging jologs ni Anne. At kahit medyo bulol at hirap sa pananalita ng Tagalog ay cute pa rin daw.
Well, ayaw naman ni Julia na magpa-pressure sa pagtatapat nila ni Anne Curtis. Ine-enjoy lang niya kung ano ang ipagagawa sa kanya. Hindi siya nagpapakasosyal kapag nasa EB!. Sinisikap niyang matuto sa mga veteran hosts na sina Tito, Vic at Joey de Leon.
Excited din si Julia Barretto na nabigyan siya ng pagkakataon na matutong mag-host ng isang game/variety show tulad ng Eat…Bulaga! (EB).
Dahil sa away nila ng ex-misis..
BUBOY, NAWALAN NG CAREER
MARAMI ang nakapansin na bibihira na ang guesting ngayon ni Buboy Villar sa mga shows ng GMA Network. Wala rin siyang regular na serye ngayon.
Mukhang nakaapekto sa career ni Buboy ang paglitaw o pag-expose ng dati niyang karelasyon na si Angilyn Gorens. Inakusahan nito si Buboy ng hindi pagbibigay ng sustento sa kanilang mga anak na nasa pangangalaga ng magulang ni Angilyn.
Naungkat din ang dating pananakit ni Buboy kay Angilyn noong sila ay nagsasama pa.
Ang pag-amin at paglalantad ni Buboy Villar sa bago niyang karelasyon ang dahilan kung bakit nabulabog si Angilyn. Hindi raw kasi tumutupad si Buboy sa kanyang pangako na sustento sa kanilang mga anak.
Well, multi-talented artist si Buboy Villar. Sayang naman kung matetengga ang kanyang career dahil lang sa personal nilang problema ng dating karelasyon. Puwede naman silang mag-usap at magkaroon ng mutual agreement para na rin sa kanilang mga anak.
Huwag sayangin ni Buboy Villar ang break na ibinigay sa kanya ng GMA Network.










Comments