top of page
Lakam Chiu arrested - Circulated ABS-CBN.jpg

Pinagtuturo sa bakasyon, pumalag sa DepEd.. Hindi kami makina! — Titser

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 11, 2023
1 min read

ni Madel Moratillo | June 11, 2023




Nababahala ang ilang grupo ng mga guro sa ipatutupad na National Learning Camp ng

Department of Education (DepEd) sa Hulyo.


Una rito, naglabas ng memorandum ang DepEd kung saan hinihiling sa mga regional directors at schools division superintendents ng projected data para sa program support fund allocation ng National Learning Camp.


Ang learning camp ay ipatutupad sa loob ng 3 hanggang 5 linggo ng end-of-school-year break ng School Year 2022-2023.


Sa magkahiwalay na pahayag, sinabi ng Alliance of Concerned Teachers at Philippine Teachers’ Dignity Coalition, na mapagkakaitan ng programang ito ng karapatan ang mga guro na makapagpahinga.


Giit nila, hindi ito ang sagot para sa pagbawi ng pag-aaral at pagkatuto.


Hindi rin umano ito kapaki-pakinabang kapwa sa mga guro at mag-aaral.


Giit naman ni ACT Chairperson Vladimer Quetua, pag-abuso ito sa mga guro na hindi isang makina. Daing nila, tambak na ng workloads ang mga guro ay mapagkakaitan pa ng pahinga.


“Matinding eksploytasyon ito sa mga guro. Ipapaalala lang namin sa kagawaran na kaming mga guro ay hindi makina,” ani Quetua.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page