top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Pinagtaksilan ng bf, kabaligtaran ang kahulugan

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 8, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | January 08, 2022



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jenny ng Capiz.


Dear Maestra,


Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan at ligtas sa anumang uri ng kapahamakan.


Napanaginipan ko na pinagtataksilan ako ng dyowa ko at bilang ganti, pinagtaksilan ko rin siya. Pinatulan ko ang pagpaparamdam ng kasamahan ko sa trabaho. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?



Naghihintay,


Jenny


Sa iyo, Jenny,


Kabaligtaran ang ibig sabihin ng panaginip mo na pinagtataksilan ka ng dyowa mo dahil ang kahulugan niyan ay faithful siya sa iyo. Ibig sabihin, tapat ang layunin niya at mahal na mahal ka niya.


Gayunman, ang pinagtaksilan mo rin siya ay nangangahulugan na malalagay ka sa isang pagsubok kung gaano mo talaga kamahal ang iyong karelasyon. Dahil dito, maging handa ka sa anumang biglaang pangyayari na hindi mo sukat akalaing darating. Iwasan mo rin ang pagdududa dahil hindi ito makabubuti sa relasyon n’yo ng boyfriend mo.




Matapat na sumasaiyo,


Maestra Estrellia De Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page