top of page

Pinagpipiyestahan sa socmed… MUSICAL DIRECTOR NA NANG-RAPE KAY GERALD, PINANGALANAN NA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 21, 2024
  • 3 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | August 21, 2024



Showbiz News
Photo: Gerald Santos

Pagkatapos sumambulat ang ginawang panghahalay kay Gerald Santos ng isang musical director sa Senado, agad-agad namang pinagpiyestahan sa X (dating Twitter) ang pangalan ng diumano’y sexual abuser ng singer-actor.


May nag-post sa X ng pangalan at larawan ng sikat na musical director na si Danny Tan. Heto ang caption na inilagay sa ipinost na larawan ng musical director ng may X account name na AltGMA (rainbow emoji), “Danny Tan of GMA.”


Sa ibaba ng picture ni Danny Tan ay ini-repost ang art card mula sa Inquirer ng picture ni Gerald at ang quotation mula sa statement niya during the Senate hearing. 


“Ako po ay ‘di po na-harass, hindi po na-abuse. Ako po ay na-rape po. Na-rape po ako, your honor,” lahad ni Gerald.


May nagtanong naman sa comment section kung siya raw ba ang tinutukoy na nang-rape kay Gerald, “‘Yan 'yung abuser, Mhie?” 


Reply ni AltGMA (rainbow emoji), “Yesterday, ayon sa looban.” 

Tanong pa nito, “Saan na s’ya ngayon?” 


Sagot sa kanya, “Ang alam ko, wala na yata ‘yan sa GMA-7 ngayon, ‘di ko na nakikita ang pangalan n’ya sa mga music ng GMA. Ang ganda pa naman ng mga gawa n’yang theme songs sa GMA-7 dati. S’ya ‘yung nag-compose ng theme song ng Dyesebel dati.


“Isang baklang walang kina-TANdaan.”


Dahil d’yan, dumami pa lalo ang nagbigay ng simpatya at suporta kay Gerald. 


Sey ng mga netizens, “Grabe ang trauma na pinagdaanan n’ya sa kamay ng isang ‘yan, siguro.” 


“Husay ni Gerald Santos sa Pinoy Pop! Tumatak talaga ‘yung performance n’ya ng Huwag Ka Lang Mawawala ni Ogie Alcasid. Nakakalungkot ang nangyari sa kanya (sad emoji).”

Nakakalungkot talaga.



BIBIDANG muli ang paborito naming young actress na si Gillian Vicencio sa pelikulang Talahib na isa sa official entries sa 2024 Sinag Maynila Film Festival mula Setyembre 4 hanggang 8. 


Simula nang mapanood namin si Gillian sa pelikulang Eerie ni Direk Mikhail Red, bumilib na kami sa kanya. Nakitaan namin ng husay sa pag-arte si Gillian sa pelikulang pinagbidahan nina Bea Alonzo at Charo Santos. 


Ngayon, isa na namang kaabang-abang na pelikula ang latest project ni Gillian, na nasa tradisyon ng slasher at massacre films. Sinasalamin ng Talahib ang problema ng pagpapatawad para maputol ang ikot ng karahasan. 


Isang serye ng pagpatay ang naganap sa “talahib” sa isang abandonadong subdivision. Nagpadala ng pulis at inspektor para sa imbestigasyon. Tinutulungan sila ng isang grupo ng magkakaibigan, na nahuling tambay sa “talahiban,” kasama ang isang misteryosong karakter na may hawak ng susi sa posibleng pinagmulan ng kuwento ng pumatay. 


Mula sa sinematograpiya ni Rain Yamson II, ang editor ng pelikula ay si Aymer Alquinto, ang producer ay si Jane Gonzales, at ang executive producer ay ang FEAST (Filipino Excellence in the Arts, Sciences, and Technologies) Foundation. 


Ang Talahib ay isinulat at idinirehe ni Alvin Yapan, na nagdirehe rin ng mga kilalang pelikula tulad ng Ang Panggagahasa Kay Fe (Cinemalaya 2009), Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa at Gayuma (parehong Cinemalaya 2011), Mga Anino Ng Kahapon (2013), Debosyon (Cinemalaya 2013), Ang Kubo Sa Kawayanan (2015), Oro (MMFF 2016), at Culion (MMFF 2019).


Kasama ni Gillian sa Talahib sina Joem Bascon at Kristof Garcia. Kasama rin sina Jess Mendoza, Kate Alejandrino, Dax Alejandro, Angellie Sanoy, Timothy Castillo, Yam Mercado, Iyo Canlas, Olive Nieto, at Rex Lantano, na may espesyal na pagganap nina Mercedes Cabral, Sue Prado, at Johnny Revilla.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page