Pinagpahinga sa show… VIVA BOSSES, UMAMIN NA KUNG BAKIT NAWALA SA EB! SI ATASHA
- BULGAR
- 2 days ago
- 3 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | May 28, 2025
Photo: Atasha Muhlach - IG
Saglit din naming nakatsikahan si Boss Vic del Rosario hinggil sa ibang bagay sa showbiz.
Nalulungkot at nagpahayag din ito ng pakikiramay sa mga naulila ni music icon Freddie Aguilar, kasama na ang mga yumao na ring sina Pilita Corrales, Hajji Alejandro at Nora Aunor. Pati nga si Tita Gloria Romero at iba pang mga naging bahagi rin ng Viva Films na namayapa na ay ipinagdarasal nga nila.
“Ganyan talaga ang buhay. Lahat naman tayo ay doon pupunta, kaya mahalaga talaga ang maging maingat sa mga bagay-bagay lalo na kapag nagkakaedad na.
“Nagpapasalamat pa rin tayo na nagkikita-kita pa rin at nakapagkukuwentuhan pa rin tayo ng ganito. Dasal, maayos na pagkain at tulog, iwas-stress, exercise, ginagawa na natin ‘yan years ago pa,” saad pa ni Boss Vic na kahit ipinagkatiwala na nga sa mga anak at apo ang pamamahala ng mga negosyo nila ay nananatiling nasa likod at nakasuporta sa mga ito.
Nai-segue naman namin kina Val at friendship Veronique ang matagal na naming tanong kung bakit wala na sa Eat… Bulaga! (EB!) ang Baby Atasha Muhlach natin.
“Naka-focus talaga kasi sa malapit nang mapanood na series na Bad Genius (BG). We both requested sa EB! management na unahin at tutukan muna ‘yun ni Atasha dahil medyo mabigat nga ang role at first time niyang bibida. Babalik din s’ya soon,” paliwanag pa ng magkapatid.
There it goes… Wait na lang po muna tayo!
Anak nina Jessa at Dingdong…
JAYDA, NEXT REGINE AT SARAH NG VIVA
PARA personal na samahan at suportahan ng Viva Entertainment big bosses, lalo na ni Boss Vic del Rosario, si Jayda Avanzado, ay isang pambihirang pagkakataon na.
For the very first time sa halos limang dekada ng Viva Entertainment sa industriya, first time nilang makipag-collab sa isang music label na may global affiliation.
“Dahil sa ‘yo ‘yan, Jayda. We believe in you and personally, ako mismo ay gusto kitang maihilera sa mga gaya nina Regine Velasquez, Sarah Geronimo at iba pang mga Viva multimedia artists.
“Sa tagal namin sa industriya, ngayon lang kami nakikipag-collab sa isang gaya ng UMG (Universal Music Group),” pahayag ni Boss Vic.
Kasama ng Viva big boss sa pagpirma ni Jayda ang mga anak na namumuno sa iba’t ibang kumpanya ng Viva gaya ni kapatid-friendship Veronique del Rosario-Corpus (Viva Artist Management), Vincent Jr. (Film), Val (TV and special projects) at ang pamangkin nilang si Verb (Music).
Sa panig naman ng UMG na may head offices sa parehong Netherlands at California (USA), ini-represent ito ng Phil. head na si Enzo Valdez.
“I am simply so ecstatic and grateful. Pambihira po ang kumbaga’y okasyon ng parang 2nd wind ko sa showbiz. This maybe is the perfect time for me to explore further.
“Sobrang nagpapasalamat po talaga ako sa pagtitiwala ng parehong Viva at UMG,” saad naman ni Jayda na magtu-22 na this June.
Kumpletos rekados naman si Jayda bilang maganda, sexy, maganda ang boses at mahusay mag-perform on stage. Kung dati, noong nagsisimula pa lang ito ay nakilala namin itong timid at sobrang mahiyain, this time na nasa Viva na siya, kitang-kita namin ang kanyang pag-mature sumagot at pagpapahayag ng emosyon.
In fact, mas madaldal na siya ngayon at bihasang-bihasa na sa pagta-Tagalog.
“I have been in the industry for quite a while. Na-try ko na rin po ang ibang field at mga nakatrabaho. My parents are still here, supporting me in the best way they could. Pero siyempre, ‘yun po talaga ang goal namin, ang talagang ma-establish ako bilang si Jayda, ‘di lang bilang anak nina Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado,” hirit pa nito.
Although music ang priority target ng pagiging Viva artist niya, gusto pa rin ni Jayda na mabigyan ng acting projects lalo na ang dream niyang makapag-rom-com.
“Kung sino po ang sa tingin ng Viva na babagay sa ‘kin na makasama (leading man o tandem), I have no worries. Game po ako,” dagdag pa nito.
Good luck and congrats, Jayda!
AY, grabe, pero matinding puksaan ang talaga namang inaabangan ng mga netizens sa pinakabagong serye ng GMA, CreaZion, at Viu – ang Beauty Empire (BE).
Pasabog na teaser ang inilabas kahapon, May 26, kung saan makikita ang intense tarayan, sabunutan, at basaan nina Barbie Forteza (Noreen Alfonso) at Kyline Alcantara (Shari De Jesus). S’yempre, agaw-eksena rin ang pagsigaw ni Ruffa Gutierrez (Velma
Imperial) ng “Oh, my gosh! Stop it!” habang nanlalaban ang kagandahan.
Laban na laban talaga ang pagiging #girlboss nina Barbie at Kyline sa teaser pa lang, kaya marami ang lalong humanga sa dalawang GMA stars at na-excite sa serye.
Sey nga ng isang netizen, “Hala, nagtapat ang 2 sa pinakamagagaling umarte sa GMA. Walang tapon sa eksena ng mga ‘to. ”
Simula na ng pinakamagandang laban. Mapapanood na ang Beauty Empire soon sa GMA-7.